^

Kakaibang Eba (2)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

PALABIRO at mahilig magpatawa si Piolo. Iyon ang dahilan kaya siya madaling makapagpaibig ng anak ni Eba. Ilan na ang kanyang nagiging siyota na hindi naman talaga niya gustong ligawan pero nang makausap niya ay nagka-mabutihan agad sila. Nadala agad ng kanyang mga pag-bibiro at pagpapatawa.

Gaya ni Tonie at ni Mariz. Si Tonie ay nakilala lamang niya sa isang birthday party. Nang matapos ang party, siyota na niya si Tonie. Pero mabilis din ang paghihiwalay nila ni Tonie. Kung gaano kabilis niyang nakuha, mabilis ding nawala. Pero hindi naman siya nanghihinayang dahil hindi rin naman siya seryoso.

At eto ngang si Mariz ang sumunod. Mas maganda si Mariz kay Tonie. Nakilala niya si Mariz sa isang seminar. Nagkasabay silang kumain nang mag-lunch break at nagkuwentuhan. Biniro niya nang biniro. Pinatawa niya nang pinatawa. Pagkatapos ng seminar, magsiyota na sila.

Hanggang makuha agad niya ito. Bumagsak ang “Bataan”.

Nang matapos ang ka­nilang pagmamahalan, tinanong ni Piolo si Mariz kung ano ang nagustuhan nito sa kanya.

“Mapagbiro ka kasi at masayahin. Nasisiyahan ako sa lalaking mapagbiro,” sabi ni Mariz.

“Paano kung binibiro lang pala kita.’’

“E di bahala ka.”

(Itutuloy)

KAKAIBANG EBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with