^

Tumataas ang kumpiyansa sa pagsisimula sa bakuna!

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

Patuloy ang pagratsada nang pagbabakuna sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila at ilang lugar sa lalawigan ng Sinovac vaccine na donasyon ng China.

Nasunod ang priority list na mga frontliners partikular ang mga health workers ang unang tuturukan. ‘Yun nga lang may ibang health workers ang ayaw pang paturok.

Ang dahilan ayaw nila ng bakuna ng China, maghihintay umano sila ng ibang brand na may mataas na efficacy.

Ok lang naman, wala naman kasing pilitan sa pagbabakuna.

Pero may ilan pa rin na health workers na tutol sa Sinovac ang nagsasagawa pa ng kilos protesta.

Hindi naman sila pinipilit  na magpaturok ng Sinovac vaccine, puwede naman silang maghintay kung anong brand ang nais nila.

Nagkataon lang naman kasi na ang Sinovac ang unang dumating, at ang nasa priority list ay mga frontliners partikular silang mga health workers.

Kung sakali naman kasi na may ibang brand ang nauna, eh ito ang ituturok sa kanila.

Hindi na  isyu sa kung saan galing ang bakuna, at ang  mahalaga rito, nakapagsimula na ang Pinas sa pagtuturok gaya ng nagaganap na sa ibang bansa.

Pero sa nasasaksihan, mukhang may pagbabago  na,  dahil dumarami na rin ang health workers na nagpapaturok ng Sinovac kung baga tumataas na rin ang kanilang kumpiyansa.

Inaasahang magtutuluy-tuloy na ito habang hinihintay pa ang pagdating ng ibang bakuna buhat sa ibat-ibang kompanya.

Sana’y patuloy na pangunahan ng mga opisyal ng pamahalaan ang pagpapakita sa publiko na ligtas ang bakuna para tumaas ang kanilang tiwala.

Bago pa man magsimula ang pagtuturok sa mga ordinaryong mamamayan, mapawi na ang kanilang takot at pagtanggi sa bakuna.

Ito ang magiging daan para hindi man tuluyang mapuksa eh, mapigilan na ang pagtaas ng kaso.

Kahit papaano meron nang panlaban.

Hindi nga raw dapat matakot sa bakuna at ang dapat katakutan eh ang virus na nagsanhi ng pandemya hindi lang sa Pinas kundi sa buong mundo.

SINOVAC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with