^

Bgy. chairman ng Tapaz, Capiz, nilikida ng NPA?

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

MALAKING papel ang ginampanan ni Bgy. Chairman Julie Catamin para mapalayas ang teroristang New People’s Army (NPA) sa kanyang sakop sa Tapaz, Capiz, ang hotbed ng communist insurgency sa Western Visayas. Sa resolution ng barangay council, dineklara ng Bgy. Roosevelt ang CPP-NPA na “persona-non-grata” noong Sept. 15, 2020. Si Catamin ay katulong din ng Philippine Army at pulisya para isulong ang EO 70 ni President Digong na naglalayon na walisin na ang CPP-NPA. Dahil sa kanyang pagpursigi na tulungan ang gobyerno sa problemang dulot ng CPP-NPA, kaliwa’t kanan ang death threat na tinatanggap ni Catamin subalit binalewala niya ito. Araguuyyyy!

Si Catamin, kasama ang kanyang mga kanayon sa Tapaz, ay nasa Calinog, Iloilo para sumali sa aktibidades na inilunsad ni PRO6 director Brig. Gen. Rolando Miranda, ang hepe rin ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict 6 (ELCAC6). Noong Pebrero 28, nasingitan si Catamin ng riding-in-tandem at pinagbabaril sa Bgy. Malitbog Centro sa Calinog. Nakuha ni Capt. Genesis Roque, ang COP ng Calinog ang apat na basyo ng bala ng kalibre .45 pistol sa crime scene. Malakas ang paniniwala ni Roque na ang Special Partisan Unit (SPARU) ng NPA ang may kagagawan ng krimen. Araguuyyyy! Si Miranda at maging ang Army ay nangakong magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ni Catamin.

Matatandaan na 19 NPAs ang namatay sa engkuwentro nang mag-serve ng warrant of arrests ang kapulisan at Army sa Tapaz kamakailan. Matapos ang insidente, pinasok ng mga ahensiya ng gobyerno at mga volunteer organizations ang Tapaz at Calinog para sa tinatawag na “Balik-Loob” program ni President Digong. Ang target ni Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas ay ang pagbalik-loob ng halos 300 CPP-NPA Lumad rebel-returnees para bigyan sila ng ayuda sa ilalim ng E-CLIP nang sa gayon ay makapag-umpisa silang mamuhay ng matiwasay at walang pag-alinlangan o takot sa Army at PNP. 

Ayon kay Sinas, 86 sa unang batch ng rebel-returnees ang sumipot sa 6-day “Akap-Kapatid” reintegration na ginanap sa bayan ng Oton. Natutuwa si Sinas sa report na nagulat ang rebel-returnees dahil maganda ang pakikitungo sa kanila ng Army at PNP na taliwas sa ikinukuwento sa kanila ng NPA cadres. Araguuyyyy! Hak hak hak! Hindi na dapat masundan ang pagkamatay ni Catamin para di mawala ang tiwala ng Lumad rebel-returnees sa pamahalaan. 

Ang bayan ng Tapaz mga kosa ay masabing birthplace ng insurgency sa Panay Island kung saan ang CPP-NPA ay walang humpay sa kanilang recruitment, training, extortion at iba’t ibang harrassment sa mga residente at kalapit na lugar. Kaya naging priority ito sa ELCAC6 kung saan pinaigting ang pagkilos ng Community Support Program Teams (CSPTs) na nagresulta sa pagbalik-loob ng Lumad NPAs. Sinabi ni Sinas na gagawin lahat ng gobyerno ni President Digong na tulungang makaahon sa kahirapan ang mga kababayan nating Lumad para iwaglit na nila sa kanilang isipan ang ideology ng CPP-NPA. Araguuyyyy! Makakamit lang ang adhikaing ito ng gobyerno kapag nagkaroon ng hustisya ang pagkamatay ni Catamin sa lalong madaling panahon. Abangan!

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with