^

Kakaibang Eba (1)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - March 3, 2021 - 12:00am

HINDI kagandahang lalaki si Piolo. Hindi rin siya gaanong katangkaran – 5’7 lang ang height niya. Kayumanggi siya. Pero marami ang nahuhumaling sa kanyang anak ni Eba sa kabila na hindi naman siya kaguwapuhan. Feeling ni Piolo, malakas ang kanyang sex appeal. Pero duda rin siya kung mayroon nga ba siyang appeal. Ang isang hinala ni Piolo kung bakit siya lapitin ng mga anak ni Eba ay dahil palabiro siya. Mapagpatawa siya. Mayroon lagi siyang joke kapag may nakakausap na tsik. Kayang-kaya niyang patawanin ang babae. ‘Yun ang alam ni Piolo na dahilan kaya siya madaling lapitan o magustuhan ng mga anak ni Eba. Tapos nabasa pa niya sa isang article sa magazine na ang lalaki raw na mahusay magpatawa o nagpapatawa ay talagang lapitin ng babae. Kumbaga, madaling ma-attract ang babae sa lalaking mabiro o mahusay magpatawa.

Gaya minsan, isinama siya ng pinsan na si Diong sa isang birthday party sa Makati. Ipinakilala siya sa isang babaing bisita rin – si Tonie. Maganda si Tonie. Nagkuwentuhan sila. Siya lagi ang bangka. Nagpatawa siya nang nagpatawa. At tawa naman ng tawa si Tonie. Nakuha agad niya ang kiliti nito.

Bago natapos ang party ng ala-una ng madaling araw ay siyota na niya si Tonie.

Ganun kabilis ang pangyayari. Napaibig agad niya si Tonie. Bilib na bilib sa kanyang ang pinsan niyang si Diong.

Pero kung gaano kabilis ang pagiging magsiyota nila ni Tonie, ganundin kabilis ang kanilang paghihiwalay.

Tapos na agad ang relasyon.

Sumunod na naging siyota niya ay si Mariz. Nakilala niya si Mariz nang dumalo siya sa isang seminar. Nagkatabi sila sa upuan. Maganda si Mariz.

Nang mag-lunch break, nagkatabi rin sila sa table. Nagkuwentuhan na sila. Umandar uli ang ugali niyang pagpapatawa. Tawa nang tawa si Mariz sa mga joke niya.

Nang matapos ang seminar, siyota na niya si Mariz.

At ang matindi, nadala agad niya sa “langit”.

Isinuko agad ni Mariz ang “Bataan”. (Itutuloy)

KAKAIBANG EBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with