^

Punto Mo

EDITORYAL - Kaso vs Customs execs na hayok sa basura

Pang-masa
EDITORYAL - Kaso vs Customs execs na hayok sa basura

MAGANDANG balita ang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na kinasuhan na nila ang apat na Bureau of Customs (BOC) officials dahil sa illegal na importation ng hazardous solid wastes mula sa Canada noong 2013 at 2014.

Ang mga kinasuhan ay sina BOC examiners Benjamin Perez Jr., at Eufracio Ednaco at mga appraiser na sina Matilda Bacongan at Jose Saromo. Kinasuhan sila sa paglabag sa Republic Act No. 6969 o ang Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990.

Nakapagtataka naman kung bakit nadismis ang apat sa kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Wala raw sapat na ebidensiya laban sa mga ito. Siguro dapat rebyuhin ang kaso. Imposibleng wala silang hangad na pagkakitaan kung bakit hinayaan nilang makapasok sa bansa ang hazardous wastes.

Imposibleng hindi nila alam na basura ang para­ting at alam nilang bawal ang pag-e-export ng basura ayon sa Basel Ban Amendment. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-eexport ng basura mula sa developed countries to developing countries.

Matindi ang korapsiyon sa Customs noon hanggang ngayon. Lahat nang pagkakakitaan ng mga gahaman sa nasabing tanggapan ay papasukin kahit na ang basura. Alam nilang bawal magpasok nito pero dahil malaki ang perang sangkot, pinayagang makalusot.

Mabuti na lang at hinakot ng Canada ang kani­lang basura na umabot sa 100 containers noong Mayo 2018. Pero ito ay makaraang magalit si President Duterte sa Canada. Pinauwi ni Duterte ang ambassador doon at iba pang embassy officials dahil sa isyu ng Canadian trash. Pitong taon na nakatambak sa bansa ang mga basura.

Bukod sa Canada, nagdala rin ng basura sa bansa ang South Korea, Australia at Hong Kong ilang taon na ang nakararaan pero nagkusa sila na hakutin ito.

Mabuti naman at kinasuhan na (kahit magaan) ang mga Customs officials na nagahaman sa basura. Sana mas mabigat ang parusa ang ipataw sa mga hayok na Customs officials.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with