^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga pulis na gumagamit ng bawal na droga

Pang-masa
EDITORYAL - Mga pulis na gumagamit ng bawal na droga

MARAMING krimen ang kinasasangkutan ng mga pulis ngayon kaya nakapanghihinayang­ na nilakihan pa ang suweldo ng mga ito at ang isusukli lang pala ay paggawa ng kabuktutan. Sa halip na protektahan at pagsilbihan ang mamamayan, sila pa ang naghahasik ng takot dahil sa mga ginagawang krimen.

Karaniwang kinasasangkutan ng mga pulis ay may kinalaman sa ilegal na droga. Karamihan sa kanila, protector ng drug syndicate. Mayroong mga pulis (karaniwang nasa drug enforcement unit) na ang mga nakukumpiskang shabu ay nire-recycle para kumita sila. Ibinabalik nila sa kalye. Ang ni-recycle ay muling huhulihin at walang katapusan ang kanilang pagkita ng pera sa ilegal na droga. Hindi na nakapagtataka kung bakit may mga pulis­ na kahit mababa ang ranggo ay may mamahaling sasakyan at nagmamay-ari ng paupahang apartment.

Bukod sa protector ng sindikato at pag-recycle ng shabu, marami ring pulis ang drug addict. Marami nang pulis ang naaktuhang bumabatak ng shabu. Mapa-lalaki at mapa-babaing pulis ay lulong­ sa shabu.

Kamakailan, 18 pulis ang nagpositibo sa paggamit ng shabu. Nadiskubre ang pagkalulong ng mga pulis nang magsagawa ng random drug testing­ sa utos ni PNP chief Gen. Debold Sinas. Mula Enero 1 hanggang Pebrero 20, 2021, nagkaroon ng drug testing at 18 nga ang nagpositibo.

Agad ipinag-utos ni Sinas ang pagsibak sa 18 pulis. Sinisiguro niya na masisibak sa puwesto ang mga pulis na magpopositibo. Umabot na sa 80,507 ang mga pulis na sumalang sa drug test. Sinabi pa ng PNP chief na magpapatuloy ang internal cleansing sa PNP.

Batik sa imahe ng PNP ang mga pulis na sang­kot­ sa ilegal na droga at ang pagiging addict. Paigtingin pa ang pagsasailalim sa drug test sa mga kagawad ng PNP para masigurong wala nang lulong sa mga ito. Nasa panganib ang mamamayan kapag ang mga pulis ay nasa impluwensiya ng bawal­ na droga.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with