^

‘Misencounter’, dapat mabusisi nang maigi!

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - March 1, 2021 - 12:00am

Nag-utos na si Pangulong Digong na tanging ang National­ Bureau of Investigaton (NBI) na lamang ang dapat na mag-imbestiga sa naganap na ‘misencounter’ sa pagitan ng QCPD at PDEA noong Miyerkules.

Maging ang Kamara at Senado, iniliban na rin ang dapat sana’y pasisiyasat nila sa insidente matapos nga ang kautusan ng Pangulo.

Marami pa rin ang hindi malinaw sa pangyayari kaya kailangan talaga nang masusing pag­si­siyasat.

Dapat mahimay ang bawat detalye para makita kung saan nagkaroon ng problema na humantong sa madugong shootout.

Kumplikado pa nga ang pangyayari at  lalo itong nagiging masalimuot dahil sa pagbibigay ng maagang komento ng ilang opisyal.

Hindi muna manahimik na kung tutuusin ay nagsisimula pa lang  sila  sa pagsisiyasat.

Komento rito, komento roon na ang ginagawa. 

Sa panig ng QCPD ipinakita nila ang lahat ng dokumento pati ang papeles ng koordinasyon sa PDEA, gayundin naman ang PDEA na nagsabing lehitimo rin ang kanilang operasyon at mayroon din silang pakikipagkoordinasyon.

Kung ganun, paanong nangyari na sila ang nagkabanggaan na humantong pa sa pagbubuwis ng buhay.

Mistulang hindi na natututo sa mga nakalipas na karanasan na kahalintulad ng ganitong pangyayari.

Parang paulit-ulit na lang.

Umaasa tayo sa malalim na imbestigasyon ng NBI, wala sanang makalusot kahit sino pa ang tamaan, malaman lamang kung saan talaga nagkaroon nang pagkukulang at kung sino ang dapat managot.

NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with