^

PDEG ni General Lee, tuloy lang ang trabaho vs droga!

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - March 1, 2021 - 12:00am

Happy birthday Ate Clarise!

• • • • • •

HINDI naging sagabal ang misencounter sa Quezon City sa pagitan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa kampanya ni President Digong vs droga, ayon kay PNP chief Gen. Debold Sinas. Imbes lalong naging mainit ang relasyon ng PNP at PDEA para isulong pa ang pagtugis at pagtiklo sa mga miyembro ng drug syndicates, ang dagdag pa ni Sinas.

Marami kasi ang nagkomento na pinagsabong ng drug syndicates ang PNP at PDEA para mag-away sila at maapektuhan ang kampanya laban sa droga. Siniguro naman ni Sinas na hindi mangyari ito at sa totoo lang tuluy-tuloy lang ang kampanya ng kapulisan laban sa droga, kapartner ang PDEA. Ayaw muna ni Sinas magkomento sa isyu ng misencounter habang inaantay niya ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na inutusan ni President Digong na arukin kung bakit nangyari ang insidente. Araguuyyyy! Hak hak hak!

Nanawagan si Sinas sa mga Pinoy na ‘wag munang magbigay kuro-kuro sa isyu para lalong hindi lumala ang kaso. Mismooooo!

Habang tahimik ang PNP at PDEA sa isyu, panay naman trabaho ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) sa pamumuno ni Brig. Gen. Ronald Lee. Matapos makipag-coordinate sa PDEA, inaresto ng mga tauhan ni Lee ang dalawang lalaki sa isang drug sting sa Bgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga. Itinuro ng dalawa ang isang marijuana plantation kung saan sinalakay ng PDEG matapos makumpirma ni Lt. Col. Nestor Cusi, ng Special Operations Unit 2 (SOU2).

Sa tulong ng ng Isabela PNP, PDEA agents, Special Action Force, Isabela, at 2nd Coy KPMFC, pinagbubunot ang umaabot sa 21,600 marijuana plants sa 2,550 square meters lots sa Tinglayan. Sinabi ni Lee na nagkakahalagang P8 milyon ang na-uproot na marijuana na sinunog kaagad nila sa limang site. Sinabi ng mga residente dun na kusang tumubo ang mga marijuana sa limang lugar. Araguuyyyy! Hak hak hak! Parang pamilyar ang dahilan na ‘yan ng mga marijuana cultivators, di ba mga kosa? Mismoooo!

Noong Sabado naman, nagsagawa ng buy-bust operation ang SOU1 ng PDEG sa  Bgy. Malued, Dagupan City, Pangasinan at inaresto ang Filipino-Nigerian na si Dexter Lamera, 37; Michelle Jalos, 47, at Nora Vusico, 48. Nakumpiska sa tatlo ang 10 gramo ng shabu na nagkakagalagang P75,000, «boodle» money, at isang kulay metallic gray na Toyota Vios (NAA 8165). Sa report na natanggap ni Lee itong tatlo ang nasa likod ng pagpalaganap ng droga sa 3rd at 4th District ng Pangasinan, samantalang si Jalos ay nakasuhan na sa paglabag ng R.A. 9165 subalit nadismiss sa korte. Araguuyyyy!

Sa San Jose del Monte City, naaresto ng mga tauhan ni Provincial Director Col. Lawrence Cajipe si Gabriel Llanes, 19, matapos magbenta ng dalawang bricks ng marijuana sa police poseur-buyer. Nakuha sa kanya ang P14,000 boodle money at Mio motorcycle. Sa Bataan naman, naaresto sina Klayron Nico Santos, 31, at Ronniel Sanchez at nakumpiskahan ng 120 grams ng shabu. Hayan, porke’t nagkaroon ng misencounter sa PNP at PDEA eh hindi na masigasig ang kampanya ng gobyerno  vs droga. Nagkamali kayo, di ba General Lee Sir? Abangan!

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with