^

1915 Rules for Teachers

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - March 1, 2021 - 12:00am

SA isang museum ay natagpuan ang lumang kasulatan mula sa Cabell County West Virginia Board of Education, USA, ang 1915 Rules for Teachers. Mahahalata ang istriktong panuntunan upang manatiling marangal ang mga guro sa mata ng lipunan.

1. Huwag mag-aasawa habang hindi natatapos ang kontrata sa pagtuturo.

2. Hindi dapat makita ng publiko na may kasamang lalaki.

3. Dapat ay nasa loob na ng kanilang pamamahay sa pagitan ng 8:00 p.m. hanggang 6:00 a.m. maliban lang kung umatend ng school function.

4. Hindi dapat makitang kakalat-kalat sa downtown at ice cream stores.

5. Bawal magbiyahe sa labas ng siyudad maliban kung may permiso mula sa chairman of the board.

6. Hindi dapat makitang nakasakay sa carriage o automobile na may kasamang ibang lalaki maliban sa kapatid na lalaki o sariling ama.

7. Bawal manigarilyo.

8. Bawal magdamit ng may matingkad na kulay.

9. Bawal magkulay ng buhok.

10. Ang haba ng bestida ay hanggang dalawang pulgada mula sa itaas ng bukung-bukong.

11. Dapat na may at least, dalawang petty coats na maisusuot sa pagpasok sa eskuwelahan.

12. Panatilihing malinis at maayos ang classroom sa pamamagitan ng pagwawalis ng isang beses bawat araw, maglampaso ng sahig gamit ang brush at sabon isang beses kada linggo, at linisin ang blackboard araw-araw. Magsimulang magsindi ng apoy sa pugon (fireplace) ng 7:00 a.m. upang mainit-init na ang classroom sa pagsisimula ng klase ng 8:00 a.m. sa panahon ng winter.

TEACHER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with