^

Mga estudyante sa Japan, kailangang patunayan na natural

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - March 1, 2021 - 12:00am

SA sobrang istrikto ng mga eskuwelahan sa Japan, ka­ilangan pang magsumite ng sertipikasyon ang mga high school students doon na sadyang kulot ang kanilang buhok o natural ang kulay nito.

Ayon sa report ng broadcasting network NHK, higit sa kalahati ng mga high school sa Tokyo ang humihingi ng pirmadong sertipikasyon mula sa mga magulang na walang anumang ginawang alteration o pagbabago sa buhok ng kanilang anak.

Marami kasing eskuwelahan sa Japan ang napaka-istrikto­ hindi lamang sa pagpapaayos at pagpapakulay ng buhok ng mga estudyante kundi pati na rin sa paglalagay ng make-up at kahit sa tamang haba ng palda ng uniform.

Itinanggi naman ng board of education ng Tokyo na sapilitan ang pagsusumite ng mga nasabing sertipikasyon ngunit iilan lamang sa mga eskuwelahan ang nagpalabas ng advisory na tahasang nagsasabi na hindi ito kailangan.

JAPAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with