^

Punto Mo

Sino ang dapat magpatunay na bayad na ang utang?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Ipina-barangay ko po ang umutang sa akin dahil sa hindi niya pagbabayad. Ipinakita ko po sa mga opisyal ng barangay ang promissory note na pinirmahan ng umutang sa akin ngunit sa halip na makipagkasundo, itinanggi pa ng umutang sa akin na hindi pa siya nakakapagbayad. Dahilan niya ay ako raw ang nag-aakusa kaya ako raw ang dapat ang magpatunay na hindi pa siya nagbabayad. May katuwiran po ba siya? Ako ba dapat ang magbigay ng pruweba na hindi pa niya nababayaran ang inutang niya?— Mel

Dear Mel,

Malinaw ang Supreme Court sa naging desisyon nito sa kaso ng Spouses Agner vs BPI Family Savings Bank Inc. (GR 182963, June 3, 2013) na sa mga kasong sibil, ang umutang ang siyang kailangang magpatunay na nabayaran na niya ang kanyang utang kung nakapagbigay na ng pruweba ang inutangan ukol sa napagkasunduan nila.

Kung may naipakita nang dokumento o anumang ebidensya ukol sa nangyaring pagpapautang, hindi na kailangang patunayan ng nagpautang na hindi pa ito nababayaran. Nasa umutang na ang tungkulin na patunayan na nabayaran na niya ang kanyang hiniram na halaga.

Ayon sa iyong inilahad, hawak mo at naipakita sa harap ng mga opisyal ng barangay ang promissory note na pinirmahan ng umutang sa iyo. Sa pagpapakita mo ng promissory note, hindi ka na obligado na patunayang hindi pa nababayaran ang utang sa iyo. Sa halip, ang umutang sa iyo ang kailangang magpatunay na nabayaran na niya ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng resibo o anumang katulad na dokumento.

vuukle comment

UTANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with