^

Punto Mo

Hindi ako susuko (141)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DUMATING ang kaara­wan ng mabait na dating CEO na si Boss Franklin. Sa bago at malaking bahay nito sa Ayala-Alabang ginawa ang pagdiriwang ng 70th birthday.

Hindi naisama nina Reagan at Hillary ang kani-kanilang mga magulang sapagkat nagkataong may dinaramdam sa katawan dahil na rin sa pagi-ging senior citizen. Ang tatay ni Reagan ay nirarayuma samantalang ang papa at mama ni Hillary naman ay nagkaroon ng trangkaso.

Dala ni Reagan ang special na regalo para kay Boss Franklin. Nakabalot sa isang magandang papel ang naka-frame na portrait ng mabait na boss.

Tamang-tama na sila ang nauna sa pagtitipon kaya naipresenta nila kay Boss Franklin ang portrait.

“Maligayang kaarawan po Sir,’’ sabi ni Reagan sabay abot ng regalo. Katabi ni Reagan si Hillary na bumati rin kay Boss Franklin.

“Aha parang nahuhulaan ko na kung ano ito,’’ sabi ng boss na nakatawa.

“Buksan mo po Sir,’’ sabi ni Reagan.

Binuksan ni Boss Franklin. Dahan-dahan ang pagbubukas. Hindi naman humihinga sina Reagan at Hillary.

Nang mabuksan, hindi mai-larawan sa mukha ni Boss Franklin ang labis na kasiyahan.

“Ang ganda nito Reagan. Pinasaya mo na naman ako. Kabisadung-kabisado mo kung ano ang gusto ko. Maaasahan ka talaga.’’

“Parang ama na ang tu-ring ko sa’yo Sir. Ikaw ang nagbigay sa akin ng pagkakataon. Ikaw ang nagbigay nang napakaraming biyaya.’’

“Dahil mahusay ka at matiyaga. May pagmamahal ka sa trabaho kaya dapat lamang na gantimpalaan ka. Sa lahat ng nakilala ko, naiiba ka. Hindi ka sumusuko. At ang taong hindi sumusuko ay malayo ang nararating.’’

“Salamat po uli.’’

‘‘Siyanga pala nasaan ang parents n’yo? Di ba sabi ko isama n’yo sila atg nang makilala ko.”

Ipinaliwanag nina Reagan at Hillary ang dahilan kung bakit wala ang kani-kanilang mga magulang.

Naunawaan naman ni Boss Franklin.

“Sige, nakahanda na ang pagkain sa mesa. Kumuha na kayo. Mag-enjoy kayo, Reagan at Hillary,’ sabi ni Boss Franklin.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with