^

Punto Mo

Kidnap for ransom group laglag sa PNP-AKG

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

BINABATI ko ang  PNP Anti-Kidnapping Group dahil muli na naman silang nakasungkit ng 11 suspects sa pagdukot ng apat na Chinese nationals sa QC at Pampanga.

Nagkaroon ng papel ang Hi-Precision Diagnotic Laboratory people dahil sila ang kumanta sa AKG para malambat ang mga dumukot sa dalawang biktimang tsekwa na nakatakdang sumailalim sa swab test na kinakailangan para sa gagawin paglipad nila pabalik ng China pagkatapos makuha ang ransom money.

Ikinuwento ni Lt. Col. Rannie Lumactod Jr., na ang mga dinukot at nailigtas sa QC ay si Ming Xuanbo samantalang hindi na nakatakbo ang tatlong Kidnappers na sina Liang Khai Chean, Malayasian national, Mou Yun Peng, Chinese national at Benjie Labor isang Pinoy na palibutan sila ng mga awtoridad.

Sa pagsasagawa ng debriefing ng AKG kay Ming Xuanbo, itinuro pa nito na may iba pang Chinese nationals ang dinukot at ilegal na ikinulong sa isang lugar sa Mexico, Pampanga. 

Samantala, nasagip ng PNP/AKG sina Zhang Wei, Shi Li Wen at Wu Xin, pawang Chinese nationals sa isang safehouse ng mga suspects sa Mexico, Pampanga. Huli rin sa operasyon ang walong mga suspects dalawa rito ay mga Tsekwa na sina Zhang Jin Xu, Teryanto, Jean Dominic y Gorospe, Keannu Louis Matero y Santos, John Joderick Bautista y Quinones, Ronald Allan Rosal Y Lavado, Lewis Yuson y Manalang at Mark Jeric Cruz.

Ang matagumpay na operasyon ng pagsagip sa mga biktima ng PNP/AKG ay nagpapakita ng dedikasyon at pangako ng bawat miyembro ng grupo sa PNP laban sa mga organized crime groups. Sabi ni Lumactod, ang mga suspects ay nag-iiyakan ngayon sa kulungan habang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban sa kanila. Congrats!

• • • • • •

Ang tree planting nina Kuya Loy

Ang PPA PMO-BATAAN/AURORA sa pamumuno ng masipag at makakalikasan na sina PM Allan M Rojo, PSDM Kuyang Bert “Loy” Angeles, A/ADM Atty. Tom Dimaala, LGU Bgy. Chairman ‘Kuyang’  Jun Rodriguez ng Bgy. Bantan, Orion at mga Permit To Operate grantees/applicants ng PPA ay nagkaroon ng Mangrove Tree Planting activity kamakalawa sa Bgy. Bantan, Orion, Bataan. Ang nasabing aktibidades ay bilang pagtalima sa PPA Admin Order no. 14 -2020 o ang  Mandatory Tree and/or Mangrove Tree Plan-ting as a Condition for the Issuance of Accredidation, Certificate of Registration.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with