^

Mangingisdang Indonesian, nakahuli ng pating na mukhang tao!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 26, 2021 - 12:00am

ISANG baby shark na may mukha ng isang tao ang kasalukuyang pinag-uusapan ng Indonesian netizens matapos ipost ang litrato nito sa Facebook ng isang mangingisda mula Rote Ndao East Nusa Tenggara, Indonesia.

Natuklasan ito ng 48-anyos na mangingisda na si Abdullah Fero matapos niyang iuwi sa kanilang tahanan ang nahuli niyang inahing pating.

Nang binuksan ni Fero ang tiyan ng inahing pating, nakita niya na may tatlong baby shark sa sinapupunan nito ngunit patay na ang mga ito. Habang ang dalawang baby shark ay may normal na hitsura, ang huli ay may malaki at bilog na mata at may malaking bunganga kaya nagmukha itong tao.

Ayon kay Fero, sa tagal na niyang nanghuhuli ng pating, ngayon lamang siya nakakita ng pating na kawangis ng tao.

Dahil sa one of a kind ang kanyang nahuling pating, nagdesisyon siyang i-preserve ang ikatlong baby shark na naging dahilan kaya marami ngayon ang nagdadagsaan sa kanyang bahay para usyusohin ang pa-ting na mukhang tao.

 Sa kasalukuyan, hindi pa masabi ng Natural Resources Conservation Center sa Indonesia kung anong specie ng pating ang nahuli ni Fero.

 

INDONESIA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with