^
EDITORYAL - Sunud-sunod na ang mga sunog sa Metro

EDITORYAL - Sunud-sunod na ang mga sunog sa Metro

(Pang-masa) - February 25, 2021 - 12:00am

SA Marso 1 ang simula ng Fire Prevention Month pero ginugulantang na ang Metro Manila ng mga sunud-sunod na sunog. Mula Enero 1 hanggang Peb­rero 24, anim na sunog na ang naganap sa Metro Manila at dalawa rito ay may mga namatay. Sa sunog na naganap sa Parola Compound sa Tondo, Maynila noong Linggo, lima ang namatay na kinabibilangan ng 37-anyos na ama at apat niyang anak na may edad 12, 10, 8 at 7. Noong Enero 8, dalawa ang namatay sa sunog sa Matahimik St. Bgy. Malaya, Quezon City. Mag-ama rin ang namatay.

Noong Pebrero 8,  30 bahay ang naabo sa Sarmiento St. Novaliches Proper, Quezon City at noong Peb­rero 11, limang pamilya ang nawalan ng tirahan sa Baclaran, Parañaque City. Nagkaroon din ng sunog sa Tramo, Pasay City kung saan 60 pamilya ang nawalan ng tirahan. Karaniwang dahilan ng sunog ay napabayaang kandila, faulty electrical wiring, cell phone na nakasaksak sa charger at nag-overheat na electric fan.

Nararapat nang maglunsad ng kampanya ang Bureau of Fire Protection (BFP) para mapaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa sunog. Lalo pa sa panahong ito ng pandemya na halos lahat ng miyembro ng pamilya ay nasa bahay. Maraming naka-work from home at ang mga bata ay naka-online studies. Lahat nang gadgets ay gumagamit ng kuryente at maaaring nakasaksak sa iisang extension cord o ang tinatawag na octopus. Madaling mag-init ang mga saksakan kapag nag-overload at pagmumulan ng sunog.

Ngayong may pandemya ang tamang panahon para makapagsagawa ng inspection ang BFP sa mga gusali, eskuwelahan, boarding house o dormitoryo, at iba pang establishment. Samantalahin habang wala pang face-to-face classes. Marami sa mga dormitoryo at boarding house ang tinatawag na “firetrap” dahil sa kalumaan. Mga “takaw-sunog” na. Walang fire exit at fire extinguisher ang mga ito.

Huwag nang hintayin pang magkaroon nang malalagim na sunog bago kumilos. Ngayon ang tamang pag-iinspeksiyon kasabay ang masigasig na kam-panya sa publiko na mag-ingat sa sunog.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with