^

Puwede bang kasuhan ng estafa ang apo?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - February 25, 2021 - 12:00am

Dear Attorney,

Maari ko bang kasuhan ng estafa ang sarili kong apo? Binibigyan ko kasi siya ng pera  sa pag-aakalang gagamitin niya ito sa negosyong ipinamahala ko sa kanya. 

Nang malugi ang negos­yo ay noon ko lang napag-alamang ibinulsa lang niya ang mga perang ibinigay ko at ginastos ang mga ito para sa kanyang sarili. 

Gusto ko lang sanang ma-laman kung may kahihinatnan ba kung magsasampa ako ng kasong kriminal. —Edna

Dear Edna,

Base sa iyong nabanggit, pasok sa depinisyon ng estafa sa ating Revised Penal Code. Nakasaad sa  Article 315, paragraph 4(1)(b) na may krimen ng estafa kung may pang-aabuso ng tiwalang ibinigay sa salarin, na ginamit sa ibang layunin ang bagay na ipinagkatiwala sa kanya ng naperwis­yong biktima.

Mula sa nasabing probisyon, masasabing may estafa nang gastusin ng iyong apo ang salaping ipinagkatiwala mo para sa negosyong ipinapamahala mo sa kanya.

Gayunpaman, madi-dismiss lang din ang kasong isasampa mo sa kanya dahil nakasaad sa Article 332 ng RPC na walang  kriminal na pananagutan ang magbubunga mula sa pagnanakaw, panloloko, o paninira ng ari-arian kung ang krimen ay ginawa ng isang kaanak katulad ng asawa, anak, o sa kaso mo, ng isang apo.

Hindi naman ibig sabihin ay wala nang magiging pananagutan ang apo mo. Maaari ka pa ring magsampa ng kaso ngunit ito ay civil complaint lamang upang mabawi mo ang halagang nilustay ng apo mo at ng perwisyong idinulot niya sa iyo.

 

ESTAFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with