^

Grocery sa Texas, ipinamigay ang paninda sa mga mamimili matapos mawalan ng kuryente

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 25, 2021 - 12:00am

VIRAL ngayon ang isang grocery store sa Leander, Texas matapos itong mamigay ng paninda sa mga customer nang mawalan ng kuryente ang tindahan.

Ayon sa isa mga mamimili na si Tim Hennessy, nag-alala raw ang marami sa kanilang mga namimili sa H-E-B grocery nang biglang mag-brownout. Marami kasi sa customers na nakapaligid sa kanya ang magbabayad gamit ang kanilang credit cards, na walang mga silbi kung wala ang mga de-kuryenteng terminals sa cashier.

Pulos tubig at pagkain pa naman ang bitbit ng karamihan na nag-iimbak ng mahahalagang supplies dahil sa matinding lamig at sunud-sunod na brownout na nararanasan sa Texas.

Kaya naman laking gulat ni Hennessy nang siya ay makarating na sa cashier. Sa halip kasi na pagbayarin ay pinalampas lamang siya nito at nagsabing “Drive home safely.” Noon daw niya napagtanto na hinahayaan ng grocery na umalis ang mga customers nito ng hindi nagbabayad para sa mga kinuha nilang tinda.

Mabilis kumalat sa social media ang ginawa ng H-E-B, na naikumpara tuloy sa mga kinauukulan sa Texas na inuulan ng batikos dahil sa naging mabagal na pagtugon nito sa matinding winter at sa malawakang brownout. Mayroon tuloy nag-tweet na mas pinagkakatiwalaan na niya ngayon ang isang grocery store kaysa sa sarili nilang gobyerno.

TEXAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with