^

‘Di kailangang magmadali, konti pang panahon!

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

Nagdesisyon na si Pangulong Digong, ‘walang bakuna, walang MGCQ at face-to-face classes.

Ito ay kabila ng iba’t ibang rekomendasyon na ginawa kabilang na rito ang IATF, DepEd at maging ang Metro Manila mayors.

Mukhang marami ang pumabor sa naging desisyon ng Pangulo, na oo nga’t kailangan nang buksan ang ekonomiya, hindi naman dapat na tuluyang masakripisyo ang kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Ano nga ba ang pwede nilang ipanlaban sa hindi  pa natatapos na virus, kundi sa kasalukuyan, ito ay ang pagsunod pa lamang sa mga ipinatutupad na protocols at restrictions.

Hanggang ngayon ay wala pa ring mga katiyakan sa pagdating ng  bakuna, na bagama’t wala rin namang kasiguruhan na sakaling mabakunahan eh hindi na tatamaan ng virus, pero at least merong panlaban man lang.

Kailangan dito ang paghihinay-hinay kasi nga kung hindi,  baka bumalik tayo sa dati nang mag-umpisa nating labanan ang pandemya.

Mas mahirap na muling mailagay ang bansa sa lockdown, na naging karanasan na sa ibang bansa nang agad-agad nagpatupad ng pagluluwag sa restrictions.

Kung nakapaghintay tayo ng halos isang taon, gasino na ang kaunti pang panahon  at pada-ting na ang mga bakuna at masisimulan na ang  pagtuturok nito.

Sakaling maumpisahan na, doon siguro unti-unti nang uusad tayo sa tuluyang pagbabalik sa normal. Kahit papano may panlaban.

Konting tiis, konting sakripisyo, babalik din sa dati ang lahat. Hindi kailangang magmamadali ang dapat eh makasiguro.

MGCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with