^

Punto Mo

PNP-IAS, Napolcom vs pulis na nang- torture sa Teresa, Rizal!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NAIS kong bigyang pugay ang Philippine National Police- Internal Affairs Office (PNP-IAS) partikular ang kanilang Inspector General na si Atty. Alfegar Triambulo.

Ito’y dahil sa kanyang ginawa na motu proprio matapos niyang mapanood sa PTV4 sa programa kong BITAG Live nitong Martes ng umaga ang sumbong laban sa pulis Teresa, Rizal na si Cpl. Reymon Ventura.

Si Cpl. Ventura ‘yung inireklamo ng kanyang delivery boy ng panonorture sa loob mismo ng presinto. Ang dahilan, nawala lamang ng pobre ang isang resibo.

Nang makausap ko si Cpl. Ventura, pinabulaanan niya ang sumbong, sinungaling daw ang biktima. Putok sa buho talaga, bakit gagawa ng kuwento ang isang maliit na tao na naghahanap-buhay laban sa isang otoridad na tulad niya.

Tinanggihan niya ang alok kong polygraph test sa kanila ng biktima. Aba, Sampahan na lang daw siya ng kaso, hulog sa BITAG!

May katigasan daw talaga ang apog nitong si Cpl. Ventura. Umano, sabi ng Barangay ay ilang beses na nilang sinita ito dahil sa ilegal na pagrerefill at pagbebenta ng mga LPG.

Hindi inisip na malaking panganib ang dulot niya sa kanilang komunidad.

Kaya naman Martes ng gabi, nakipag-ugnayan na ang investigation team ng PNP-IAS sa biktima. Napaiyak ito habang iniinterview ko sa Pambansang Sumbungan dahil sa laki ng takot sa inirereklamong pulis.

Bukod dito, pormal na tinanggap mismo ni National Police Commission (Napolcom) Vice-Chairman Vitaliano Aguirre II ang sumbong. Nais niyang makausap ang biktima sa kanyang tanggapan.

Simula nang pumutok ang isyu tungkol sa killer cop na si Nuezca, nagkakaroon ng unti-unting pagbabago sa ahensiya ng PNP.

Sa platapormang ikinasa ni Vice-Chairman Aguirre, tinanggalan na ng kapangyarihan ang regional appellate board ng Napolcom na magdesisyon sa mga inirereklamong pulis.

Mismong si Vice-Chairman Aguirre, sinabing sa level na ito ay nagkakaroon ng mga aregluhan, bayaran at padrino kaya yung ilan ay naaabsuwelto sa kanilang mga kabalbalan.

Hindi na pwede yan ngayon dahil lahat ng desisyon ay kailangang manggaling sa head office ng Napolcom.

O Cpl. Ventura at yung iba pang kagaya mong sumisira sa imahe ng PNP, handa ka na ba? IAS at Napolcom ‘yan, kung makakaiwas ka pa!

 

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with