^

Marami pa rin ang takot sa bakuna!

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - February 17, 2021 - 12:00am

Hanggang noong nakaraang linggo mababang porsiyento pa rin sa mga residente ng Metro Manila ang payag na mabakunahan.

Ayon sa DILG batay sa survey na isinagawa sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR), nasa tatlo lang sa bawat 10 indibidwal  ang nagpahayag nang pagnanais na magpabakuna kontra COVID-19.

Umaabot lang sa 20 hanggang 30 porsyento ng populasyon sa rehiyon ang pabor mabakunahan.

Naku po, lubhang  mababa umano ang bilang  sa 80 porsyento ng populasyon sa NCR na target ng DILG para magkaroon ng herd immunity.

Bagama’t walang pilitan sa pagbabakuna nais ng DILG na mapalakas pa ang pagkakaloob ng impormasyon sa publiko para hindi katakutan ang bakuna.

Kaya nga hinikayat nila ang local goverments unit (LGUs) na palakasin ang information drive para maunawaan ng kanilang nasasakupan ang halaga ng bakuna at pawiin ang takot ng mga ito.

Aminin natin na talagang malaki ang naging impact ng mga nagdaang pangyayari sa mga bakuna sa bansa kaya natatakot na ang marami. 

Marahil gusto rin nila pero yun nga lang nauunahan sila ng takot. Kung baga oobserbahan muna nila ang mga mauunang magpabakuna kung talagang walang masamang epekto doon lang sila papaturok.

Mahalagang maipaliwanag ito nang husto sa publiko para mapataas ang kanilang kumpiyansa sa bakuna.

Mismong si Pangulong Digong nga eh nagbago na isip na handa na ring ipakita sa publiko ang kanyang pagbabakuna para makatulong sa pagpawi sa kanilang takot sa vaccine.

Habang patuloy pang hinihintay ang bakuna dito marahil dapat tumutok ang mga kinauukulan lalu na ang LGUs ang mapalakas ang information campaign para magtiwala ang marami sa bakuna.

Gawin marahil ang lahat nang paraan para ito maipaliwanag sa kanilang mga nasasakupan.

 

 

NATIONAL CAPITAL REGION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with