^

Punto Mo

Kumpiyansa o burara na?

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

UNTI-UNTI nang nananawa ang taumbayan sa kahihintay sa bakuna. Puro naman daw kasi satsat ang nakikita natin at nangyayari.

Kaya ang taumbayan, nababagot na, nagpapabaya na sa pag-iingat laban sa COVID-19.

Umabot na yata sa puntong “nasuya” na ang tao sa mahaba at walang katapusang isyu sa lintek na bakuna.

May ibang mga pilosopo na nagsasabing humina na raw ang COVID-19. Tuloy, nabubuo na sa kanilang isipan ang delikadong kumpiyansa base sa kanilang pamantayan. Nabubuo ‘yung  mentalidad ng mga Pilipino na bahala na!

Ang epekto, makikita mo sa mga pampublikong lugar na dumarami at walang pakun­dangan na kung magkumpulan ang mga tao. Ang mga bata, makikitang pakalat-kalat sa labas.

Ang nakakatakot sa karamihan, nakababa ang face mask, ang kanilang baba ang tinatakpan at hindi ang ilong at bibig. ‘Yung iba kung hindi walang face shield, nakapatong naman sa kanilang mga ulo.

Huwag naman sanang umabot sa punto na dumami pa ang bilang ng mga “burara.” Sila ‘yung ang tingin sa COVID-19 ay parang trangkaso na lang.

Sa kabilang banda, may dumedepensa, sumisigla raw ang ekonomiya. Katunayan dahil nagbubukas na ang ilang malls at negosyo.

Pero ayon sa mga dalubhasa, hindi ito ang kumpiyansa o “public confidence” equals “public spending” na kailangan ng ating bansa.

Magkakaroon lamang daw ng siguradong kumpiyansa ang taumbayan at sisigla ang ekonomiya kapag andyan na ang bakuna.

Ang tanong, kailan nga ba? Sabi kasi ng mga nag-iingay diyan, puro raw kasi ngawa, puro salita lang. Nakakasawa na ha!

 

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with