_pang-masa
^

Nagtatago o sadyang kilos suso?

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - February 9, 2021 - 12:00am

HINDI ko mawari kung nagtatago o sadyang kilos suso ang lokal na gobyerno ng Mandaue City. 

Hinggil ito sa pagpapasara sa inirereklamong 180 Degrees 

Rehabilitation Center at pagpapanagot sa nagmamay-ari nito.

Lunes pa noong nakaraang Linggo, nakikipag-ugnayan­ na ang BITAG sa Mayor’s Office at Business Permit and Licensing­ Office­ (BPLO). Ganundin sa Department of Health Region 7 na nasa Cebu ang tanggapan.

Ito ay sanhi ng reklamo ng mag-asawang nurses at Filipino Immigrant sa Chicago USA. Matapos naming maipalabas ito sa BITAG, lumutang pa ang ibang nagrereklamo laban sa pasi­lidad ng 180 Degrees sa Cebu at maging sa Bohol.

Noong nakaraang Miyerkules pa huli naming nakausap ang DOH-Region 7 at Mandaue City BPLO. BITAG pa mismo ang nangungulit at walang puknat na tumatawag sa kanilang mga tang­gapan para makakuha ng update.

Nagsagawa na raw sila ng inspection, nag-issue ng Cease and Deceased Order at Show Cause Order at pauuwiin na raw ang mga pasyente. What a big accomplishment!

Samantalang sa Bohol, Martes nang makausap namin si Mayor Virgilio Mendez ng San Miguel, Bohol. Kinabukasan ay agad nang nanghimasok ang NBI, sila mismo ang nakipag-ugnayan sa mga nagrereklamo.

At ang balitang nakaabot sa BITAG, nitong weekend, nagsasarado na ang inirereklamong 180 Degrees Rehabilitation Center.

Nitong Enero lang, may namatay na rehab client sa loob ng 180 Degrees Rehab sa Cebu. Nagwala at nanlaban umano ang rehab client kaya nabugbog. 

Hindi biro ang mga reklamong pambubugbog at pang-aabuso sa mga rehab client sa Cebu at Bohol Branch. Marami pang kababalaghan at kalbaryo sa loob ng pasilidad ang isinisiwalat ng mga biktima.

Kaya walang dahilan para magmabagal ang anumang ahensiya ng gobyerno para kumilos at kastiguhin ang nasa likod nito. 

Para sa LGU ng Mandaue City at sa DOH-Region 7, huwag n’yo kaming taguan sa BITAG. Responsibilidad naming magbigay ng update sa publiko sa isyung ito!

 

MANDAUE CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with