^

Punto Mo

Kumpiyansa sa bakuna vs COVID-19 tumaas?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SA kasalukuyan, umaabot sa 150 ang klase ng bakuna laban sa COVID-19. Sa mga ito, mahigit 50 ang sinubukan na sa tao at ilan ang inaprubahan na. Kabilang sa mga matunog na bakuna ang BNT162b2 ng Pfizer at  BioNTech,  mRNA-1273 ng Moderna, AZD1222 ng University of Oxford at AstraZeneca, CoronaVac ng Sinovac,  BBIBP-CorV ng Sinopharm, at Sputnik  V ng Gamaleya. Ngayon lang napabilis ang pag-eeksperimento na kadalasan, inaabot nang maraming taon.

Ibang usapin nga lang ang pagtanggap ng mga tao sa buong mundo sa anumang bakuna laban sa COVID-19 bagaman sinasabi ng mga eksperto na ito ang kailangan para masawata ang virus at makabalik na sa dating normal na buhay.  Tulad dito sa Pilipinas, sa ibang mga bansa ay meron ding mga handang magpabakuna, ayaw sa bakuna, nagdududa, nag-aagam-agam o alanganin. 

Gayunman, ayon sa isang wire report ng Reuters, lumitaw sa isang bagong survey na dumami ang mga tao sa mundo na handang magpabakuna laban sa COVID-19.

Ang mga taga-Britain ang mas nakakahigit na handang magpabakuna (78%). Sunod ang Denmark 67%. Pinakamataas ang bilang ng mga taga-France na nagsasabing hindi sila magpapabakuna (44%). Sa Australia, Japan, South Korea at Singapore, kumonti ang mga gustong magpabakuna.

“Dahil ang mga bakuna ay merong mahalagang papel sa pagkontrol sa pandemya, dapat kumilos na ngayon ang mga lider para makatulong na maipaunawa sa mas maraming mga tao ang mga benepisyo sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 at tiyaking walang mapag-iiwanan,” pahayag ni David Nabarro, eksperto sa COVID-19 ng World Health Organization.

Nabatid na ang survey ay bahagi ng pagsisikap ng WHO at ng ibang mga ahensiya na imonitor ang mga ugali at atityud ng mga tao kaugnay ng kalusugan sa panahon ng pandemya. Mula pa noong Abril 2020 ay sinurbey ng  mga researcher ang mahigit 470,000 tao sa buong mundo. Ang pinakabagong survey ay ginawa noong Enero 4-24 ng taong ito. Lumitaw dito na karamihan ng mga tao ay nagtitiwala sa mga bakuna na 2/3 ang nagpahayag ng malakas o katamtamang kumpiyansa at 12% lang ang walang ganap na tiwala. Two-third ng mga tao ay naniniwalang mahalaga para sa kanilang kalusugan ang pagpapabakuna.

 

Email: [email protected]

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with