^

Nagkakalimutan na sa social distancing sa PUVs

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - February 5, 2021 - 12:00am

Mukhang paunti-unti eh nararamdaman na ang pagbabalik sa normal.

Ito ay sa kabila na patuloy pa ring hinihintay ang pagdating ng bakuna para masimulan na ang pagtuturok.

Pero hangga’t hindi pa ito nasisimulan, nandiyan pa rin talaga ang banta ng COVID -19 at  masimulan man ang pagbabakuna hindi naman  nangangahulugan na lisensya na ito para   mag-relax at wala na ang gagawing mga pag-iingat.

Ngayon pa lamang nga na wala pa ang bakuna, mistulang nagiging pabaya at pasaway  na ang marami.

Nandiyan na nakakalimutan nang sundin ang mga health protocol  na parang wala na ang pandemya.

Maging sa panig ng mga nagpapatupad ng batas mukhang wala na rin ang sigasig na di tulad noong una.

Isa na riyan ang mga patakaran sa mga pambublikong sasakyan.

Ilan na nga ba ang porsiyento ng dapat na isakay sa mga PUVs?

Kung may nagbabantay lang sana, makikita na hindi na napapatupad nang maayos ang social distancing.

Mapa-modern jeepney man ito o ‘yung mga lumang jeep, maging sa mga bus masusumpungan na rin ang ‘standing ‘ sa mga pasahero.

Aba’y talaga nga namang wala na ang distansya, siksikan at dikit-dikit na ang mga ito.

Kung sasabihing marami na kasi ang nakakalabas at ito na para sa ekomoniya, eh bakit hindi na lang magdagdag nang papapasadahin na mga sasakyan  at saka ipatupad ang tama lamang na bilang ng pasahero .

Isa ang public transport sa hindi natututukan ng mga kinauukulan na dito talagang ang pangunahing napapabayaan  ay ang social distancing.

May ilan pa sa mga jeep ,  may  harang daw o barrier na plastic.  Pero ngayon mistulang mga banderitas na lamang display ang masusumpungan at wala na ang sinasabing harang.

Dapat itong maaksiyunan  kung gusto talaga natin na maiwasan ang hawaan sa mga matataong lugar dapat may nakatutok at nagbabantay habang hindi pa talaga nakakabalik nang tuluyan sa normal.

 

COVID -19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with