^

Punto Mo

Maraming paglabag at kalokohan ang 180 Degrees Rehab Center

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

BINISITA ng Department of Health Region 7 ang 180 Degrees Chemical Dependency Treatment Center sa Mandaue City, Cebu.

Inaasahan ko na ipasasara na ito katulad ng ipinangako sa akin sa ere ng DOH-Region 7.  Kaso, sa kabila ng pag-amin ng ahensiya na hindi DOH-accredited ang rehab center, may mga “proseso” pa kuno na dapat daanan.

Hindi biro ang kinasasangkutang gusot ng rehab center na ito. Maraming paglabag at kalokohan ang dapat maimbestigahan. Katulad ng sumbong ng mag-asawang Filipino Immigrant Nurses sa Chicago, Illinois. Hindi pangkaraniwan, sa pelikula mo lamang mapapanood ang mga eksena. 

 Nagbabakasyon lamang noon ang mag-asawa sa Cebu kasama ang kanilang dalawang anak. Dinukot ang mag-asawa sa Ruma Hotel kung saan sila naka-check in. Ang nakakatakot sa kanilang kuwento, alam ng mga guests at staff ng hotel ang ginawang pagdukot sa kanila. Mismong bellboy daw ng hotel ang nagbukas ng kanilang kuwarto gamit ang hotel keycard.

 Pinagbubugbog ang mister at sapilitang kinaladkad ng hotel ang dalawa. Ang mga staff at guests mula sa 3rd floor hanggang sa lobby ng Ruma Hotel, nakatingin lamang, hindi sinaklolohan ang mag-asawang sumisigaw at humihingi ng tulong.

 Laking gulat ng dalawa ng dalhin sila sa 180 Degrees Rehab sa Mandaue, City, ang dahilan, adik o drug dependent daw ang mag-asawa. Sumailalim sila sa drug test, nagnegatibo subalit idinitene pa rin.

Kinumpirma ni Philippine Drug Enforcement Agency Spokesperson Derrick Carreon, mali ang mga prosesong isinasagawa ng 180 Degrees Rehab. Una, walang commitment order from a court judge; Ikalawa, drug dependency test – nagnegatibo ang mag-asawa at; ikatlo, hanggang anim na buwan lamang ang maximum detention sa rehab center -- 8 buwan nasa loob ng 180 degrees ang mag-asawa.

Kung hindi pa sa tulong ng isang abogado na kumuha ng writ of habeas corpus, hindi pa makakalabas ang mag-asawa. Nasaksihan daw ng dalawa kung paano bugbugin ang mga lalaking rehab client habang ang babae, nakaranas ng sexual harrassment mula mismo sa isa sa mga councilors.

Kamakailan, isang stay-in rehab client ang kahina-hinalang namatay. Ayon sa report ng management ng 180 Degrees, nagwala at nagtangka raw manaksak ang rehab client. Sa report naman sa pulis ng ina ng namatay na rehab client, nagtangka daw tumakas ang kaniyang anak kaya nabugbog ito ng mga nagbabantay sa rehab, ayon daw ito sa itinawag sa kaniya ng 180 Degrees.

Hanggang sa oras na ito, nag-aabang ako ng update sa kung ano ang hakbang na gagawin ng lokal na gobyerno ng Mandaue City at ng DOH Region-7. Kung ako si BITAG ang tatanungin, ipasara n’yo na ‘yan, end of story!

 

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with