^

Punto Mo

Kaya dumarami ang mga gunggong at tiwaling pulis!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

INAASAHAN na matutuldukan na ang dating sistema ng National Police Commission (Napolcom) hinggil sa pag­hawak ng mga kaso ng mga inirereklamong pulis.

Ayon kasi kay bagong Napolcom Vice Chairman Atty. Vita­liano Aguirre II, sa nakaraang administrasyon daw, kapag nag­desisyon na ang Regional Appellate Board, sarado na ang kaso.

 Kesehodang absuwelto ang desisyon, hindi na raw uma­abot ito sa Napolcom-Central Office para rebyuhin at silipin.

Kaya naman pala dumarami ang mga barumbado, gago at abusadong pulis dahil sa bulok na sistemang ito.

Marami ang magagalit sa akin pero sasabihin ko unfiltered, posibleng may nangyayaring lutuan, bayaran o arboran sa Regional Appellate Board.

Lalo na ang mga bata-bata o malakas sa pulitiko o di kaya ay may mala-pader ang padrino. Instant abswelto ang mga pulis na inireklamo, kawawa ang mga biktima.

Ganito siguro ang nangyari sa binansagang “killer cop” na si Nuezca na pumatay ng mag-ina sa Tarlac noong Disyembre. Anila, may mga dati nang kasong administratibo ang pulis subalit, nare-assign lang ito at balik ulit sa serbisyo.

Itong bagong tinututukan ng BITAG, ang pulis-Pampanga na si Cpl. Bryan De Jesus. Ini­reklamo sa aking tanggapan nitong nakaraang linggo.

Si De Jesus at kanya umanong mga katropang pulis ay pinasok ang bahay ng nagrereklamong si Alias Jane at kanyang nobyo.

Walang search warrant, walang warrant of arrest, walang koordinasyon sa barangay. Kinaladkad silang magnobyo sa police station dahil sa kasong droga raw.

Para makalaya, inalok sila ng palit-ulo. Magtuturo sila ng ibang tao at P5,000 kapalit ng kanilang kalayaang magnobyo.

Dahil hindi makasunod sa alok, ikinulong ang nobyo ni Alyas Jane. Itong si Cpl. De Jesus, nagmagandang-loob, ihahatid na raw siya sa bahay.

Subalit binitbit si Jane sa kusina ng istasyon at pinagsipilyo. Bago umabot sa kanilang bahay ay pinahubad umano ni De Jesus ang kanyang pantalon at pilit na isinubo ang kanyang ari kay Jane.

Para raw mawala ang kanyang pagod ay gawin lang ang kababuyang pinapagawa sa biktima.

Nakapagsampa ng kaso ang biktima laban sa pulis na si De Jesus. Nang manghimasok na ang BITAG, nare-assign daw ang baboy na pulis sa Aurora.

Dapat tinanggalan ng armas saka binartolina ang balahurang pulis na ito at hindi basta inilipat lamang ng duty.

Babantayan ito ng BITAG dahil baka iabsuwelto lamang ang kanyang kaso sa Region 3.

Mabuti naman Atty. Aguirre at nasilip mo ang problemang ito sa Napolcom. Tuluyan mong bawiin sa central office ang kapangyarihan ng Regional Appelate Court.

Baka ang kasong ito, mauwi lang ulit sa pagpapawalang-sala sa mga tiwaling pulis sa rehiyon. Hindi kami papayag sa BITAG.

vuukle comment

NAPOLCOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with