^

Punto Mo

Mag-asawang berdugo sa Tingloy, Batangas

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SUMIKAT ang mag-asawang berdugo sa isla ng Tingloy, Batangas noong. kasagsagan ng pandemya

Sila ay sina Mayor Lauro Alvarez at Kapitana Amelia Alvarez. Sa sobrang kakapalan ng mukha, pinalitan ang Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Ang SAP, ipinangalan mismo ni  kapitana sa kanyang sarili at ginawang Social ameliaration Program. Ang pera ng gobyernong ipinamamahagi sa mga tao, hahatiin para umano ipamigay sa ibang residente.

Putok ang isyung ito, maging ang ilang barangay captain sa Tingloy ay pumalag. May ilang napilitang sumunod sa takot na balikan sila ng mag-asawa.

Kasalukuyang nakasampa ang reklamo sa Department of Interior and Local Government laban sa mag-asawang ito sa isyu ng AMELIAration.

Eto at may panibagong reklamo na ipinaabot sa BITAG laban sa mag-asawang Alvarez.

Akala siguro ng mag-asawang Alvarez, dahil malayo sa kabihasnan ang Tingloy, hindi mabubunyag ang kanilang mga kabulastugan dito sa Metro Manila.

Ang sumbong, pananampal ni Mayor Lauro Alvarez sa isang binatilyo.

Matapos maipalabas ang sumbong na ito sa digital media at sa telebisyon, naglutangan ang iba pang mga biktima.

Lumalabas sa mga sumbong, kapitan pa lamang siya ng barangay habang ang kanyang misis ay nakaupong mayor, mukhang nakahiligan nang manampal ni Mayor Lauro.

Hindi nagawang magreklamo ng mga biktima dahil ang mga pulis daw mismo ng isla ang pumigil sa kanilang magreklamo.

Hindi raw nila kaya ang kanilang kakalabanin kaya mas mabuting huwag na lang pansinin ang pananakit na kanilang tinamo.

Talaga bang kinatatakutan kayo diyan sa Tingloy? O baka naman sa katotohanan, isinusuka na kayo ng inyong mga kababayan!

Mayor Lauro at Kapitana Amelia, sinubukan naming kayong tawagan, dalawang magkasunod na araw subalit mukhang nagtatago na naman kayo.

Iniimbitahan ko kayo kahit sagutin ko pa ang lahat ng gastos, bukas ang tanggapan ko para sa inyo para makuha ang inyong panig.

Tandaan n’yo, malapit na ang eleksiyon. Siguradong hindi ito makakatulong sa inyong kandidatura.

vuukle comment

BATANGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with