Silang mga sumikat na hindi agad nag-give up

KUWENTO ng kabiguang naranasan ng mga indibidwal ngunit hindi sumuko at sa bandang huli ay naging sikat sa  larangang kanilang pinasukan.

Elvis Presley

Noong bago pa lang kumakanta si Elvis, siya ay natanggap bilang performer ng Grand Ole Opry. Ang nabanggit na lugar ay isang sikat na weekly American country music stage concert sa Nashville, Tennessee.

Sa kasawiang palad, hindi na-impress si Jimmy Denny, manager ng Grand Ole Opry, kaya nagdesisyon itong tanggalin si Elvis Presley pagkatapos ng una niyang  performance. Sabi ng manager kay Elvis: “Mas mainam na bumalik ka na lang sa pagmamaneho ng truck. Marahil ay naroon ang talent mo sa pagmamaneho. Wala kang mararating sa larangan ng musika.

Sa kabila ng insultong iyon, hindi natinag ang pangarap ni Elvis na maging isang mang-aawit. At isang araw, nagbunga ang kanyang pagsisikap. Kinilala siya bilang “Most significant icons of the 20th century” at “King of Rock and Roll.”

Marilyn Monroe

Noong 1944 ay kilala siya sa kanyang tunay na pangalang Norma Jean Baker, nag-aplay siya bilang model sa Blue Book Modelling Agency. Sa halip na tanggapin ay pinayuhan siya ng director ng agency na si Emmeline Snively: “You’d better learn sectarial work or else get married.”

Inirapan lang niya ang babae dahil alam niyang hindi lang pagsesekretarya at pagiging maybahay ang kanyang kayang abutin. Totoo nga, naging isa siya sa mga “Most Iconic Actresses of the 1950s” at itinuturing na major pop culture icon hanggang sa kasalukuyan. (Itutuloy)

 

Show comments