Siyudad na lumulutang sa ulap, namataan sa China!

ISANG tila lumulutang na siyudad ang namataan sa China kamakailan at pinag-usapan ng netizens sa ilang Chinese social networking sites.

Ang nakamamanghang aparisyon na ito na tila may mga lumulutang na skyscraper building na nakapatong sa ulap ay pinagkaguluhan ng mga residente ng Yueyang, isang lugar sa China na may isang milyong populasyon.

Sabi ng isang local news agency sa Yueyang, hindi ito ang  unang beses na may namataan na lumulutang na siyudad sa China.

Dahil sa kakaibang phenomena na ito, maraming kuro-kuro ang nabuo ng mga netizens at isa na rito ay maaaring daan ito sa ibang dimensyon o daigdig.

May ibang teorya naman na maaaring lihim na proyekto ito ng Chinese government na ang tawag ay “Project Bluebeam” na diumano ay experimental project para lalo nilang makontrol ang kanilang mamamayan.

Ayon naman sa isang atmospheric scientist mula sa Texas A&M University na sumuri sa mga kumalat na litrato ng Floa-ting City, ang phenomena na ito ay maaaring halimbawa ng “Fata Morgana”, isang natural mirage o optical illusion.

 

Show comments