^

Punto Mo

Information dissemination sa bakuna, palakasin pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa susunod na buwan inaasahan na ang pagdating mga bakuna sa bansa at sa buwan ng Marso naman posibleng masimulan na ang pagtuturok nito.

Ngayon pa lang, kanya-kanya nang paghahanda ang mga local government units (LGUs) partikular sa Metro Manila lalo na ‘yung mga nagpareserba na ng vaccine para sa kanilang constituents.

Masigasig na rin sila sa pagbibigay ng mga impormasyon at sa step-by-step na dapat gawin kung gusto ng kanilang mga nasasakupan na maka-avail ng bakuna.

Pinasisimulan ito ng marami sa pamamagitan ng online registration na mahalaga para sila makasama sa mga babakunahan. Siyempre ginawa itong online para na rin hindi na magtungo  sa kung saan-saan ang mga mamamayan at maiwasan ang hawaan sa virus.

Sa ibang lugar,   may  inilatag pa silang counseling bago turukan ang isang nagparehistro para maipaliwanag sa kanila ang mga bagay-bagay at ilang maaaring maging side effects ng bakuna kung sakali. Mahalaga ito para ma-orient ang isang nagnanais na magpabakuna.

Maging ang mga lugar na pagdarausan ng vaccination ay inihahanda na rin.

Habang isinasagawa ito, dapat marahil na masabayan na ito ng pagbibigay ng mga impormasyon sa mga tao.

Kasi mukhang ang madalas ngayong makita eh yung mga mga tinatawag na ‘fake news’ na lumalabas patungkol sa bakuna.

Ito ang madalas na mabasa ng marami lalu na sa social media kaya sila natatakot na magpaturok. Nangingibabaw ang pangamba dahil sa mga nababasa o natatanggap na ‘sabi-sabi’.

Dapat itong tapatan ng mas  maraming mga pagpapaliwanag at positibong  impormasyon para pawiin ang takot ng publiko.

Huwag na ang mangyari eh na mas marami ang lumalabas na disinformation kaysa sa information dissemination o tamang mga impormasyon.

Matagal na itong ipinapanukala ng marami, pero mukhang iilan pa rin ang nakakagawa kaya ito ang dapat na matutukan ng pamahalaan lalu na sa impormasyon sa mga gagamiting bakuna nang mawala ang agam-agam ng mga mamamayan.

 

vuukle comment

LOCAL GOVERNMENT UNITS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with