^

Punto Mo

‘Snake’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

PAREHO silang nasa 4th year high school nang magkaroon ng relasyon. Parehong mapusok kaya isang araw ay namalayan na lang ng babae na siya’y buntis. Nagkaroon ng kasunduan ang magkabilang partidos na wala munang magaganap na kasalan. Ang dalawa’y sa kanya-kanyang bahay pa rin uuwi ngunit malayang makakadalaw ang lalaki sa kanyang nobya anumang oras na gustuhin niya. Hindi nabago ang arrangement ng magnobyo hanggang sa ipanganak at lumaki ang bata.

Lumaking bibo at madaldal ang anak na lalaki na noon ay tatlong taong gulang na. Minsan habang umiihi ang lalaki ay sinundan pala siya ng anak sa toilet. Nakatingin ito sa bukas na zipper ng ama:

“Daddy, bakit kasinglaki ng snake ‘yang sa iyo pero itong sa akin (ibinaba ang kanyang shorts) ay worm lang.”

“Don’t worry, magiging snake rin ‘yan kapag malaki ka na.”

Magiliw na yumakap ang anak sa kanyang ama.

“Daddy, dito ka na lang tumira sa bahay namin para araw-araw ay ipapakita ko sa iyo kung nagiging snake na itong sa akin.”

“Talaga? Gusto mo akong makasama?”

“Yes. Matutulog tayo sa bed ko…”

Natigilan ang ama. Nagising ang natutulog na sentido komun at biglang dumaloy sa mga ugat ang sense of responsibility. Magkahalong awa sa anak at hiya sa sarili ang kanyang naramdaman. May pag-uusapan sila ng kanyang mga magulang pag-uwi niya. Gusto na niyang magpaka-ama. At para matupad iyon, pakakasalan muna niya ang ina ng kanyang anak.

              

vuukle comment

PREGNANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with