^

Punto Mo

Lalaki sa Australia, iniligtas ng cell phone matapos masalo ang palaso na tatama sa kanya!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KUNG may mga taong nagsasabi na hindi sila mabubuhay kung walang cell phone, may isang lalaki naman sa Australia na literal na nailigtas ang kanyang buhay dahil sa kanyang smartphone!

Isang 43-anyos na lalaki mula Nimbin, Australia ang muntik nang tamaan ng pa­laso ngunit imbes na mukha niya ang mapuruhan, tumama ito sa kanyang smartphone.

Ayon sa mga pulis, nakikipagtalo sa kanyang­ kapitbahay ang hindi pinangalanang lalaki sa labas ng kanyang bahay.

Hanggang mauwi ang pagtatalo sa masasakit na mga salita, nagbanta ang kapitbahay na gagamitan siya nito ng pana na kasalu­kuyang dala nang oras na iyon.

Dahil sa banta, inilabas ng biktima ang kanyang smartphone para kuhanan ng video ang pangyayari para may pruweba siya kung anumang kahihinatnan ng kanilang pag-aaway.

Ngunit bago pa niya mabuksan ang camera app ng kanyang smartphone, inambahan na siya ng pana at tinudla.

Sa kabutihang palad, ang smartphone niya ang sumalo sa paparating na palaso kaya minor injuries lamang ang natamo ng lalaki.

Matapos ang insidente, inaresto ng mga pulis ang kapitbahay at kinasuhan ito ng armed with intent to commit an indictable offense, assault occasioning actual bodily harm and malicious damage.

vuukle comment

AUSTRALIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with