^
EDITORYAL - Mura, mabilis at ligtas ang saliva test

EDITORYAL - Mura, mabilis at ligtas ang saliva test

(Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

APRUBADO na ang saliva test. Sa wakas, hindi na gaanong mamumroblema ang mga Pinoy na magpapa-test para ma-detect ang coronavirus. Mayroon nang mas murang paraan at hindi na aasa sa ubod nang mahal na swab test na nagkakahalaga nang mahigit P5,000. Bukod sa mura, mabilis din at mapagkakatiwalaan ang resulta ng saliva test.

Ang Philippine Red Cross ang unang magsasa­gawa ng saliva test. Ayon kay DOH undersecretary Ma. Rosario Vergeire, inaprubahan na ang saliva test makaraang magkasundo ang laboratory experts. Nagsagawa ng rekomendasyon ang laboratory experts at ibinigay ito kay DOH secre­tary Francisco Duque III. Inatasan naman ng DOH ang Red Cross na magsagawa ng test bilang alternatibo sa real-time reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test. Ang labo­ratoryo ng Red Cross ay gagamitin sa pagsasagawa ng saliva test.

Mas hamak na mura ang saliva test kaysa sa swab test sapagkat nagkakahalaga lamang ito ng P1,500 hanggang P2,000. Ang RT-PCR test ay nagkakahalaga ng P3,800 hanggang P5,000.

Unang ginamit ang saliva test sa Israel, United States, Singapore, Hong Kong at Taiwan. Naging mabilis ang pag-detect ng mga nasabing bansa sa virus kaya marami ang nakaiwas at gumaling. Isa pang kagandahan ng saliva test, walang direct contact ang health personnel sa pasyente. Ilalagay lang ng pasyente ang kanyang laway sa vial at ma­aari na itong isalang sa pagsusuri at malalaman na agad ang resulta.

Hindi na gaanong mahihirapan sa gastos ang mga magpapasuri. Malaking tulong para lahat ay makapagpa-checkup at maiwasan ang virus. Ganunman, kinakailangan pa rin ang lubos na pag-iingat at pagsunod sa health protocol para hindi mahawahan ng virus. Makipagtulungan sa mga kinauukulan. Huwag maging pasaway.

FRANCISCO DUQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with