^

Pagluluwag sa ‘age restrictions’dapat na nga ba?

RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

Niluwagan na nga ang age restrictions sa mga puwede nang lumabas ng bahay sa mga nasa modified general community quaratine (MQCG).

Kung dati mula 15 pataas, ibinaba na nga ito sa 10-anyos pataas na pinapayagan nang makalabas ng bahay.

Kaalinsabay naman nito, ang pagkumpirma ng Dept. of Health (DOH) na may karagdagan pang 16 na kaso ng UK COVID variant ang naitala sa bansa. Tatlo rito ang sinasabing minors.

Sumatotal, nasa 17 na ang kaso ng UK variant.

Pero ayon naman sa mga ekperto ‘premature’ pang sabihin na may local transmission na ang UK variant.

Sa mga unang pag-aaral patungkol sa UK COVID variant, hindi nga ba’t sinasabing mas mabilis itong makahawa, partikular umano sa mga bata.

Ang tanong ngayon dito, ngayong parami na ang bilang ng nagkakaroon nito, marapat nga ba na payagan na ang nasa 10-anyos pataas na palabasin ng kanilang mga bahay.

Plano na rin ng DOH na irekomenda sa IATF na irekonsidera ang kanilang desisyon dahil nga sa natuklasang mga kaso ng UK COVID variant.

Mukhang hindi nakuhanan ng opinyon ng IATF patungkol dito ang DOH na siyang mas nakakalaalm sa status o kalagayan ng paggamot sa virus sa bansa.

Dapat marahil na makunan ng opinyon ang lahat ng panig bago aprubahan ang isang rekomendasyon ng ibang ahensya.

Maging ang  local goverment units, ay hindi nakonsulta ukol dito.

Kung pumayag man sila, ok walang problema , pero kung hindi sila kumbinsido, ordinansa uli ang pwedeng panapat dito.

Bagamat maganda ang layunin dito ng IATF, na mabalanse ang pangangalaga sa kalusugan at ng ekonomiya, pero kailangan pa marahil ang  masusi pang pag-aaral  at mga konsultasyon sa lahat ng sektor at sangkot na ahensya.

Makabubuting marinig ang ibat-ibang panig dahil nakasalalay dito eh kalugusan o buhay ng mga indibiduwal.

Aantabayanan natin ang magiging tugon ng IATF sa hiling ng DOH.

 

COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with