^

Away ng pamilya Gaisano at Wong, masalimuot!

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

MAY batas ba sa Pinas na kapag nagkakaso ang isang negos­yante ay kasamang magdurusa ang lahat ng miyembro ng pamilya nito? Kaya naitanong ‘yan ng mga kosa ko dahil sa mainit na iringan ng pamilya ng maimpluwensiyang Gaisano sa Cebu City at Wong na kasalukuyan pang hinihimay sa korte­. Ang Gaisano family kasi ay sinampahan ng kasong syndicated estafa si Derwin­ Wong, ang presidente ng maliit ng stockbrokerage na DW Capital Inc (DWCI) dahil sa umano’y walang pahintulot na pagbenta nito ng sapi o stocks sa ilang mga bluechip sa Philippine Stock Exchange (PSE) na nagdulot umano ng pagkalugi.

Ang stocks o sapi ay hawak ng pamilyang Gaisano sa pamamagitan ng DWCI stockbro­­ke­rage. Ang masama lang, hindi lang si Derwin ang kinasuhan kundi maging ang tatay nito na si David, at mga kapatid na sina Davidson, Derrick at Dianne na nakalistang mga opisyal ng kompanya na kanilang pamilya. Ang siste, ibinaba ng Makati prosecutor’s office, maging sa Department of Justice at sa Supreme Court ang kaso na isinampa ni Herny Gaisano ll sa simpleng estafa laban kay Derwin at isa nitong tauhan sa DWCI. Subalit pumasa sa Cebu Regional Trial Court ang kasong syndicated estafa na isinampa naman ni Valerie Gaisano-Sebastian at nagpalabas ang una ng arrest warrants laban kay Derwin, tatay na si David at mga kapatid. Araguuyyyy! Hak hak hak! Itong kasong syndicated estafa kasi mga kosa ay non-bailable.

Sa totoo lang, nagsimula ang lahat ng ito nang maghiwalay si Derwin sa kapatid nila Henry Gaisano II at Valerie Gaisano Sebastian na si Eda Frances. Sa una, itong si Derwin ang nagsilbing pangunahing stockbroker ng kanyang mga manugang na Gaisano sa PSE. Subalit nagsimulang lumabo ang relasyon ng dalawang pamilya nang magkalabuan ang mag-asawang si Derwin at Eda Frances at maghiwalay ang dalawa noong 2017. Dahil sa reklamo ng mga Gaisano, ipinasara ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang DWCI kahit abot-langit ang pag-deny ng mga Wong sa akusasyon laban sa kanilang pamilya. Sa kadami-daming kliyente nga naman ng kanilang DWCI, tanging ang pamilya Gaisano lang ang nagsampa ng kaso laban sa mga Wong. Araguuyyyy! Hak hak hak! Ganyan talaga ang buhay, di ba mga kosa?

Dahil sa pagsampa ng kasong syndicated estafa na tinanggap naman ng Cebu City regional trial court ay naglabas ng arrest warrants laban kay Derwin, sa tatay nya na si David, at mga kapatid na Derrick at Davidson. Ang unang casualty ay si Davidson na naaresto sa Madrid, Spain kung saan siya nasa official working trip para sa kanyang pinagtatrabahuhang travel agency na base sa Hong Kong. Si Davidson ay na-deport sa Pinas noong Enero 2020. Nitong buwan ay nagmarka na ng isang taon na naghihimas ng bakal na rehas itong pobreng Davidson Wong na may asawa at dalawang anak na hindi makakasama. Nagpalabas din ang mga Gaisano sa National Bureau of Investigation (NBI) ng isang P2 milyon na pabuya para mapadali ang pagtugis at pag aresto sa tatay ni Derwin na si David na sinasabing nasa ibang bansa. Masalimuot ang away ng mga Gaisano at Wong at sa tingin ng mga kosa ko ang batas lang ng Pinas ang makakaresolba. Abangan!

 

PHILIPPINE STOCK EXCHANGE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with