^

Kasalan ng mga jologs at sosyal

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

Part I: Invisible door

BONGGA ang kasal ng pamangking babae ni Aling Ising dahil mayaman ang napangasawa. Nangyari ang kasalan noong malaya pa tayong nakakagala kung saan-saan dahil wala pa ang kontrabidang COVID. Ang biyenan ng kanyang pamangkin ay may-ari ng kompanyang nagbebenta ng isang brand ng sasakyan. Excited ang mga kamag-anak sa probinsiya dahil imbitado silang lahat.

Malayo pa ang petsa ng kasal ay inihahanda na nila ang damit na irarampa sa kasalan. Aba, dapat lang na maging presentable ang kanilang paghihitsura sa araw ng kasal dahil 100 percent na mayayaman ang bisita ng partidos ng lalaki. Sa Manila Cathedral gaganapin ang kasalan at ang reception ay sa isang five star hotel.

Okey, taga-probinsiya sila pero professional naman ang angkan ni Aling Ising. Lahat ng magkakapatid nina Aling Ising ay teachers na nagsisipagturo sa kanilang probinsiya. Buti na lang at magaganda ang gown na isinuot ng angkan ni Aling Ising dahil pulos sosyal ang naging bisita sa kasalan. At least hindi sila naging alangan sa partidos ng lalaki.

Sa hotel habang ginaganap ang masayang kainan, nakaramdam ng pag-ihi ang ina ng bride na kapatid ni Aling Ising. “Ate, naiihi ako, saan kaya ang toilet?”, tanong ng kapatid kay Aling Ising

“Hayun…doon sa bandang likod…” turo ni Aling Ising.

Dali-daling nagtungo ang ina ng bride sa direksiyong itinuro ng kapatid. Maya-maya ay may narinig na malakas na kalabog ang lahat. Napatingin ang lahat sa pinaggalingan ng ingay—ang ina ng bride ay nakabulagta at tinutulungan ng waiter sa pagtayo.

Hindi pala nito napansin ang pintong made of glass patungo sa toilet. Akala’y walang pinto kaya tuluy-tuloy sa paglakad at iyon nga, nabangga ito at bumulagta. Kapag natamaan ng ilaw ang isang pinto na made of glass, ito pala ay nagiging invisible lalo na sa malabo ang mata na kagaya ng ina ng bride.

Mabuti na lang at pulos sosyal ang mga bisita kaya wala ni isa mang nagtawa sa pagkakabulagta ng ina ng bride. Pero ang siste, mismong mga kamag-anak, kasama na si Aling Ising ang inihit ng tawa sa nangyari.

“Ang bigat mo Sister, biruin mo’y nakaya mong banggain ang pintuang salamin, Ha-ha-ha-ha!” ang sabi ni Aling Ising habang namimilipit sa katatawa.  (Itutuloy)

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with