^

Hindi ako susuko (109)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

“TALAGANG ngayon ako nanghihinayang sa mga nasira mong painting na kagagawan ng hidhid na si Thelma, Reagan. Ngayon ko nare-realize kung magkano ang halaga ng mga nasira mong painting. Kung alam ko lang na ganun ang gagawin ni Thelma, sana palihim kong ipinuslit. Sana nilakasan ko ang loob ko tulad nang ginawa kong pagtatago ng pera ni Tiyo Abe na inilaaan sa pag-aaral mo. Sayang talaga!’’

“Wala po kayang naisalba sa mga painting Sir George?’’

“Sabi ng kapitbahay ni Tiyo Abe, mayroon daw na nakapagsalba. Kasi’y itinambak daw sa gilid ng bahay ang mga painting. Dun daw hinagis ng walanghiyang si Thelma. Meron pa raw na tinapak-tapakan at pinagsisira ang frame. Nasira na yata ang ulo ng babaing ‘yun at walang patawad na sinira ang kolek­siyon ng ama. Nang malaman ko ang nangyari, hindi ko maiwasang mapaluha dahil alam ko kung gaano kamahal ni Tiyo Abe ang kanyang mga painting collections.’’

“Sir George posible kayang may nakakuha sa ilan kong painting?’’

“Posible Reagan. Palagay ko, may basurero na nakakuha at iningatan. Kaya ‘yung mga na­­kapag-ingat tiyak na may kayamanan na sila sa bahay nila. ‘Yun ngang Sir Abe na painting ay binibili nang mahal ‘di ba?’’

“Pero hindi ko po talaga ipagbibili. ‘Yun ang sasabihin ko sa ba­baing bibili ng Sir Abe painting.’’

“Tama ang pasya mo, Rea­gan. Susuwertihin ka talaga sa buhay dahil iniingatan mo ang alaala ng isang mabait at matulunging tao – si Tiyo Abe.’’

“Salamat Sir George. Sana lagi mo akong dalawin dito para makapagkuwentuhan tayo.’’

“Sige Reagan. Bigla na lang akong susulpot dito, he-he-he. Hindi pa naman ako aalis patu­ngong Dubai. Marami pa tayong pagkukuwentuhan.’’

MAKALIPAS ang isang buwan, may sinabi ang boss kay Reagan.

“Bukas e pupunta rito ang babaing gustong bumili ng Sir Abe painting, ikaw na ang bahala sa kanya, Reagan. Makulit e.’’

“Ako ang bahala Sir. Titiklop ‘yun kapag nakausap ako.’’

“Sige, naniniwala ako sa’yo.’’

(Itutuloy)

HINDI AKO SUSUKO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with