^

Babae sa Singapore, nag-viral sa Facebook nang maglagay ng balat ng pomelo sa ulo habang tumataya sa lotto!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

PINAG-USAPAN ng Singaporean Facebook users ang post ng isang FB group na SG Kay Poh matapos nilang i-share ang litrato ng isang babae na tumataya sa lotto ticket habang may nakapatong na balat ng Pomelo sa kanyang ulo!

Habang nagtataka ang karamihan kung bakit may balat ng pomelo ang babae, may isang netizen na nagpaliwanag sa comments section na maaaring ginawa niya ito upang makaakit ng suwerte sa tulong ng Chinese moon goddess na si Change’e.

Ayon sa sinaunang paniwala ng mga Tsino, mas madaling makita ng Moon goddess na si Chang’e mula sa buwan ang taong may balat ng pomelo sa ulo at mas madali rin niyang maririnig ang panalangin nito na manalo sa lotto.

Matapos maliwanagan ang netizens, ilan sa mga ito ang nagpahayag na gusto na rin nilang subukan na maglagay ng pomelo sa kanilang ulo, hindi lamang tuwing tataya sa lotto, kundi pati na rin sa pagkuha ng pagsusulit at iba pang mahalagang gawain na kailangan ng suwerte.

 

 

LOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with