^

Magkaibang pangalan ang nasa birth at baptismal certificate – alin ang dapat gamitin?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - January 24, 2021 - 12:00am

Dear Attorney,

Kailan ko lang nalaman na magkaiba pala ang nakalagay na pangalan sa baptismal at birth certificate ko. Paul Michael po ang nakalagay sa birth certificate ko samantalang Paul lang sa aking baptismal certificate. Paul Michael naman po ang gamit ko simula noong ako ay bata pa pero gusto ko pong malaman sana kung alin po ba sa birth o baptismal certificate ang masusunod kung mayroong pagkakaiba sa kanilang dalawa. —Paul Michael

Dear Paul Michael,

Ang birth certificate ang dapat sundin sakaling may pagkakaiba ito sa kung ano ang nakasaad sa baptismal certificate. Nakasaad sa Article 408 ng Civil Code na kailangang nakatala sa Civil Register ang kapanganakan ng isang tao, at kung ano man ang pangalang nakasaad sa Civil Register ay magiging opisyal niyang pangalan, ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Republic v. Hon. Jose R. Hernandez (G.R. No. 117209, February 9, 1996).

Kaugnay rito, hindi maaring gamiting batayan ang baptismal certificate para sa opisyal na pangalan ng isang tao o sa estado ng kanyang relasyon sa iba, katulad ng kung sino ang kanyang ama o ina. Sa kaso ng In Heirs of Fabillar vs. Paller et al. (GR 231459, Jan. 21, 2019), sinabi ng Korte Suprema na ang tanging impormasyon mula sa baptismal certificate na maaring magamit na ebidensiya ay ang kaganapan ng binyagan at ang petsa kung kailan idinaos ito. Hindi ito magagamit upang patotohanan ang ibang bagay, katulad ng opisyal na pangalan ng bininyagan o ng pagiging anak niya sa mga nakasaad doon na magulang niya.

Mabuti na lamang at ang gamit mong pangalan ay ang nakasaad sa iyong birth certificate. Mas kumplikado kung ang palagi mong inilalagay sa mga dokumento ay kaiba sa birth certificate mo. Sa ganung pagkakataon, kakailanganin mong pumunta sa civil registry o sa korte, depende sa klase ng pagbabago na kailangan mo.

BIRTH CERTIFICATE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with