^

Naimbentong ‘smart’ dog collar sa Korea, nakaka-detect ng emosyon ng mga alagang aso

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 24, 2021 - 12:00am

ISANG kompanya sa South Korea ang nag-imbento ng high-tech na dog collar na kayang ma-detect ang emosyon ng alagang aso sa pamamagitan ng klase ng kanilang tahol.

Sa pamamagitan ng “smart” dog collar na gawa ng kompanyang Petpuls, maaring ma-detect ng mga amo kung ang alaga nilang aso ay masaya, malungkot, balisa, galit, o relaxed.

Nagagawa ito ng dog collar sa pamamagitan ng pagbasa sa tahol ng aso. Simula 2017, nangalap ang Petpuls ng 10,000 sample ng tahol ng nasa 50 breed ng aso at mula sa mga sample na iyon ay nakagawa sila ng programa na kayang mag-analisa ng iba’t ibang klase ng tahol.

Ayon sa Seoul National University, 90 porsiyentong tama ang pagbasa ng dog collar sa tahol ng aso kaya maaasahan ito para malaman ang kanilang mga emosyon.

Noong nakaraang Oktubre, sinimulan nang ibenta ng Petpuls ang kanilang produkto online sa halagang $99 (katumbas ng P4,800).

SOUTH KOREA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with