^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag munang payagan na makalabas ang mga bata

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag munang payagan na makalabas ang mga bata

KAYA nga walang face-to-face classes ay para makaiwas ang mga bata sa virus. Pero nakapagtatakang ang gobyerno pa ngayon ang nagpupumilit na payagan nang makalabas ang mga bata para raw dumami ang mga customer sa mga malls, restaurant at nang makabangon na ang ekonomiya. Ayon sa mga nagpupumilit, payagan na raw makalabas ang mga bata mula edad 10. Sa kasalukuyan, ang mga nasa edad 15 hanggang 65-anyos lang ang maaaring lumabas.

Nararapat tutulan ang panukalang ito sapagkat malalagay sa peligro ang buhay ng mga bata. Lalo ngayon na may nakapasok nang bagong variant ng COVID sa bansa na ayon sa mga eksperto ay mas malakas o mabilis makahawa. Kapag pinayagang makalabas ang mga bata, para silang iniumang sa isang mabangis na kalaban. Hindi dapat sundin ang kagustuhang ito para lamang sa layunin na madagdagan ang mga customer at makabangon na ang ekonomiya.

Noong nakaraang Disyembre, mahigpit na tinutulan ng mga mayor sa Metro Manila ang mungkahi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na payagan nang makapasok sa mall dito sa Metro Manila ang mga bata.

Sabi ng DILG, papayagan ang mga bata na makapunta o makapamasyal sa malls basta may kasamang magulang o guardians. Ipatutupad umano ito sa National Capital Region (NCR) at mga lugar nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ). Kailangan daw limikha ng ordinansa ang mga mayor sa NCR ukol dito.

Pero sinalungat ng Metro mayors ang panukala ng DILG. Pati mga doktor at ilang police officials ay hindi payag sa plano ng DILG. Ayon sa police officials posibleng mahawahan ang mga bata kaya makikipag-usap sila sa manager ng malls na higpitan at huwag papasukin ang minor. Ayon naman sa mga doktor, “superspreaders” ng COVID ang mga bata kapag pinayagang makalabas.

Hindi pa dapat payagan ang mga bata na magtungo sa malls, restaurant, parks at iba pang lugar. Delikadong makasagap sila ng virus. Hindi dapat isapalaran ang kalusugan ng mga bata. Kaya nga hindi pinayagan ang face-to-face classes ay para makaiwas ang mga bata sa virus at ngayon ay papayagan sa malls. Huwag muna. Isipin ang kalusugan ng mga bata.

 

vuukle comment

CLASS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with