^

Punto Mo

Ang cartoonist

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG The Spectator ay weekly British magazine na itinatag noong 1828. Ito ang pinakamatagal na magasin na hanggang sa kasalukuyan ay namamayagpag pa rin.

May isang anekdota tungkol sa kanilang naging cartoonist na si Billy Scully. Sa loob ng 60 years, naglingkod siya nang buong husay sa The Spectator. Sa edad na 92 ay nagtatrabaho pa rin siya bilang cartoonist ng nasabing magasin.

Isang araw habang abala ang art editor sa pagtse-check ng unang kopyang lumabas, napansin niyang  black out, as in, black ink lamang ang lumabas sa frame ng cartoons ni Billy. Nagtataka ang art editor kung paano nangyari iyon samantalang may cartoons naman sa original layout.

Matanda na si Billy kaya pinapayagan siyang magtrabaho sa kanilang bahay. Ipinadadala na lang niya sa opisina ang kanyang trabaho.

Kaagad tumawag ang art editor sa bahay nina Billy upang magpaliwanag tungkol sa production error. Sasabihin din niya na kahit hindi lumabas ang kanyang cartoons sa linggong iyon, makakatanggap pa rin ito ng bayad.

“Hello, this is Billy’s art editor,  puwede siyang makausap?”

“Wala na po siya,” sagot ng lalaki sa kabilang linya.

“What do yo mean…na wala na  siya? Umalis? Nagbakasyon?”

“Pumanaw na si Lolo, isang linggo na ang nakakaraan.”

“Sino ang gumawa ng cartoons na ipinadala kahapon dito sa opisina?”

“Ha? Paano po mangyayari iyon, walong araw na po simula nang pumanaw siya? At wala pong marunong mag-drowing sa amin.”

Natulala ang art editor.

Muntik na niyang mabitawan ang telepono.

 

vuukle comment

BILLY SCULLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with