^

Punto Mo

Hindi ako susuko (107)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TUMAYO na sina Reagan at Sir George para magtungo sa cafeteria ng kompan­ya nang biglang dumating ang big boss.

“Excuse me Reagan, may mahalaga lang akong sasabihin sa’yo. Mga ilang minuto lang, please…’’

“Opo Sir.’’

Binalingan ni Reagan si Sir George at pinakiusapang maghintay ito sa lobby. Mag-uusap lang sila sandali ng boss.

Pumayag si George at akmang lalabas na ito pero kinausap ng boss.

“Sorry at naabala ko ang inyong pag-uusap. Saglit lang naman ito.’’

“Wala pong problema Sir. Salamat po,’’ sagot ni George at lumabas na ito.

Nang ang dalawa na lamang ang nasa kuwarto, sinabi ng boss ang sadya kay Reagan.

“Tungkol ito sa Sir Abe painting, Reagan. Talagang napakakulit ng babaing gustong bumili ng painting. Sinabi ko nang hindi ko ipinagbibili. Kahit pa magkano niya ako operan, hindi ko talaga ipagbibili. Pero nagpupumilit talaga. Ano kaya ang magandang paraan para mapatigil ko na ang pamimilit ng babaing yun. Lagi akong tinatawagan. Halos araw-araw ay tinatawagan ako. Ano ang maipapayo mo, Reagan?’’

“Ganito po Sir. Sabihin mo po na makipagkita siya sa painter ng Sir Abe.’’

“Tapos?’’

“Ako po ang magsasabi na hindi ‘yun ipinagbibili. Ako ang magpapasya na walang kapalit na halaga ang painting na yun. Ipaliliwanag ko sa kanya kung bakit. Ikukuwento ko sa kanya ang nasa likod ng painting na ‘yun.’’

Napangiti ang boss.

“Aba mukhang tama ang naisip mo, Reagan. Sige sasabihin ko sa babae na ikaw ang kausapin.’’

“Sige po Sir.’’

Umalis na ang boss.

Tinungo naman ni Reagan si George sa lobby.

(Itutuloy)

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with