^

Punto Mo

EDITORYAL - Isaayos pa ang trapik sa EDSA

Pang-masa
EDITORYAL - Isaayos pa ang trapik sa EDSA

DALAWANG linggo nang may pagbabago sa trapik sa EDSA. Medyo bumibilis na ang usad ng mga sasakyan lalo na sa bahaging Kamuning patungong Cubao. Hindi na tulad ng dati na gumagapang ang mga sasakyan at inaabot ng dalawang oras bago makarating ng Ortigas. Ang pag-improved ng trapik sa EDSA ay dahil umano sa pagbubukas ng Skyway 3 noong nakaraang linggo. Dahil marami na ang dumadaan sa Skyway, nabawasan na nang bahagya sa EDSA.

Kapag nagtuluy-tuloy ito, maaring magkatotooo ang sinabi ni Presidente Duterte noong Hunyo 2019 na kayang mag-travel ng limang minuto mula Cubao, Quezon City hanggang Ayala Avenue sa Makati City. Sana ay magkatotoo ito para wala nang kahirap-hirap ang mamamayan sa pagtungo sa kanilang trabaho na umuubos ng tatlo hanggang apat na oras dahil sa matinding trapik.

Matagal nang panahon na kalbaryo ang pagbiyahe sa EDSA. Maraming oras ang nasasayang dahil sa trapik. Maraming empleyado o estudyante ang bumaba-ngon nang maaga para hindi maipit sa trapik. Sa uwian sa hapon, panibagong trapik na naman ang kanilang sasagupain. Wala nang katapusan ang trapik sa EDSA.

Sa 2020 Numbeo Report ukol sa sitwasyon ng trapik sa Pilipinas, lumabas na nangunguna ito sa mga bansa sa Asya na may pinaka-worst na trapik. Pumapangalawa sa Pilipinas ang Indonesia, sumunod ang Thailand, Malaysia, Singapore at Vietnam.

Sa ginawang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), P5.4 bilyon araw-araw ang nawawala sa Pilipinas dahil sa matinding trapik sa Metro Manila. Nakapanghihinayang ang nawawalang pera na sana ay nagamit na lang sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan.

Bumubuti na ang lagay ng trapik sa EDSA pero hindi pa dapat tumigil ang pamahalaan. Ipagpatuloy pa ang pagpapaluwag sa EDSA at iba pang kalsada. Gumawa pa ng alternate route gaya ng Skyway. Mala­king kaginhawahan ito sa mga motoristang umuubos ng tatlo hanggang apat na oras na biyahe sa EDSA. Ang Skyway 3 ay ginawa ng San Miguel Corporation. Ang mga ganitong proyekto ang kailangan ngayon para maibsan ang kalbaryong trapik na dinaranas ng mamamayan. Ito rin ang magiging landas para sa tuluy-tuloy na pag-unlad.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with