^

MPD, umani ng papuri sa zero crime sa 2 okasyon!

SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - January 22, 2021 - 12:00am

UMANI ng sangkaterbang papuri si Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco dahil sa zero crime incidents at injuries sa dalawang malalaking religious activities sa Maynila nitong nagdaang mga araw. Maging si Manila Mayor Francisco Domagoso ay nagulat dahil sa 24 na taon niya sa serbisyo publiko ay ngayon lang niya nakita na walang kaguluhan ang kapistahan ng Black Nazarene at ng Sto. Niño sa Tondo. At nangyari lahat ‘yan dahil sa police deployment ni Francisco.

Marami rin ang nangamba na kapag dinumog ng mga Pinoy ang dalawang okasyon ay sumambulat ang kaso ng COVID-19 subalit sa talaan ng Maynila, bumababa ang kaso ng virus sa siyudad ni Domagoso. Siyempre, maging ang liderato ni Philippine National Police (PNP) chief Gen.Debold Sinas ay hindi na nakialam sa seguridad ng Feast of the Black Nazarene at Sto. Niño dahil alam n’ya ang kakayahan ni Francisco bilang ground commander ng dalawang okasyon. Mismooooo! Hak hak hak! At nagbunga naman ng maganda ang tiwala nina Domagoso at Sinas, di ba mga kosa?

Kung sabagay, noong nasa People’s Journal pa ako, itong dalawang okasyon ay mahigpit na minomonitor namin dahil palaging may nagbubuwis ng buhay dito. Lalo na ang kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo kung saan palaging tinatawag ang aming attention ng Homicide Section ng MPD dahil halos sunud-sunod ang tawag ng patayan. Kaya kung tahimik sa ngayon ang dalawang okasyon, aba malaking papel ang ginampanan ng estratehiya ni Francisco para makamtan ng MPD ang mga papuri, di ba mga kosa? Hak hak hak! Advance lang mag-isip si Francisco, no mga kosa? Tumpak!

Wala namang prusisyon noong translacion subalit dinumog pa rin ng mga Pinoy ang Quiapo church kung saan 400 katao lang ang pinayagan sa loob ng simbahan na naglalaman ng 1,200. Mahigpit na pinairal ni Francisco ang social distancing sa labas ng simbahan, at ang mga deboto ay sumunod naman sa iba pang health protocols ng gobyerno ni President Digong.

Para hindi ma-overfatigue ang kanyang mga tauhan, walong oras lang ang deployment ng mga pulis bago sila palitan. Ang katwiran ni Francisco kapag fresh ang mga pulis na i-deploy sa ganitong okasyon, ma-optimize ang kanilang kapabilidad at malamig ang ulo sa pakikitungo sa kapwa nila Pinoy. Ipinaliwanag ni Francisco na kapag 24 hours ang deployment ng mga pulis, kadalasan hindi na sila kikilos dahil sa pagod at puyat kaya’t hindi na sila mapakinabangan. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang talaga ‘yan! Mismoooo!

Sa kapistahan naman ng Sto. Niño sa Tondo at Pandacan, pinakalat din ni Francisco ang kapulisan sa kalsada, lalo na sa mga chokepoints, at mahigpit na pinairal ang liquor ban na iniutos ni Mayor Domagoso. Ang Tondo church na 1,200 ang kapasidad, ay 300 katao lang ang pinayagan. Hindi rin pinayagan ang kinaugaliang prusisyon para hindi kumalat ang COVID. Ang siste, halos hindi na lumabas ng kanilang bahay ang mga taga-Tondo kaya naiwasan ang kaguluhan. Sumusunod din pala sa batas ang taga-Tondo, ang komento ng gulat na si Domagoso. Congrats for a job well done Gen. Francisco Sir! Abangan!

MANILA POLICE DISTRICT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with