^

Punto Mo

Hindi ako susuko (106)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MABUTI naman at sa boss mo ibinigay ang Sir Abe painting, Reagan. Nasa mabuting kamay,” sabi ni George.

“Art enthusiast po kasi ang boss ko. Naghahanap po kasi siya ng iba ko pang painting pero ang sabi ko wala nang natira sa akin kung ang nag-iisang Sir Abe pain-ting. Sabi ko karamihan sa aking painting ay binenta ko dahil ginamit ko ang pera sa pag-aaral. Meron kasi siyang nabili na painting ko nun kaya naghanap pa siya ng iba.’’

“Maliit talaga ang mundo ano, Reagan? Akalain mong ang painting na ginawa mo nun ay mapapasakamay ng boss mo.’’

“Oo nga Sir George. Nagulat siya dahil nakita niya ang pirma ko. Kaya po siya nagkainteres na maghanap pa ng painting ko.’’

Napabuntunghininga si George.

Napailing-iling pagkatapos.

“Kung hindi sinira ng hidhid na si Thelma ang mga painting sa mini gallery ni Tiyo Abe, buhay pa sana mga painting mo. Kaso winasak ng babaing yun. Talagang hindi ko malimutan ang ginawa ng hidhid.’’

Napangiti na lang si Reagan.

“Kalimutan na natin ang pangyayaring yun, Sir George. Nangyari na ang lahat.’’

“Kung ikaw nalimutan mo na ang panlalait ni Thelma, hindi ako Reagan. Hanggang ngayon ay nasa alaala ko pa ang ginawang pagpapalayas sa akin ng Thelmang iyon sa bahay ni Tiyo Abe. Ni hindi na niya tiningnan ang pag-aalaga ko sa kanyang ama. Napakawalanghiyang babae! Palagay ko tatamaan siya ng karma dahil ang mga mahahalagang gamit ng kanyang ama ay winasak niya. Palagay ko, masakit ang babalik sa kanya dahil sa pagsira sa mga painting na koleksiyon ng kanyang ama. Bukod dun, sinolo niya ang ari-arian na dapat ay hati-hati silang magkakapatid.’’

Nakikinig si Reagan kay George.

Natatandaan niya, parang ganito rin ang sinabi ng kanyang boss. Sabi ng kanyang boss noon baka matinding karma ang mangyari sa anak ni Sir Abe.

Naniniwala kaya sa Batas ng Karma ang anak ni Sir Abe?

“Ano ang iniisip mo  Reagan?’’

“Ah wala Sir George. Siyanga pala, magmeryenda muna tayo. Ako naman ang maglilibre sa’yo ngayon. Di ba nilibre mo ako nung ako ay nag-aaral pa sa kolehiyo. Ako naman ngayon.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

HINDI AKO SUSUKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with