^
EDITORYAL - Ikulong, bgy. officials na nangurakot ng SAP

EDITORYAL - Ikulong, bgy. officials na nangurakot ng SAP

(Pang-masa) - January 21, 2021 - 12:00am

MASYADONG magaan naman ang parusa sa 89 na barangay officials na nangurakot ng Social Amelioration Program (SAP). Suspensiyon lang ang ipinataw sa kanila ni President Duterte. Ibig sabihin maaari pang makabalik sa puwesto ang 89 na corrupt barangay officials at muling makapangurakot. Lumambot ba ang Presidente sa mga tiwaling opisyal? Kabaliktaran ito na laging ginagawa ng Presidente na iniaanunsiyo pa ang pangalan ng mga tiwali gaya nang ginagawa niya sa DPWH.

Nakapagtataka rin kung bakit 89 lang ang pinatawan ng suspensiyon gayung nasa 143 ang bara-ngay officials na sangkot sa pangungurakot ng SAP. Nasaaan na ang 54? Ang mga corrupt barangay officials ay nagmula sa Metro Manila, Cagayan Valley, Calabarzon, Central Luzon, at Ilocos Region.

Mariing sinabi ni DILG Sec. Eduardo M. Año noong Mayo ng nakaraang taon na hindi matatakasan ng mga corrupt na barangay officials ang batas. Mana­nagot ang mga ito. Sinira umano ng mga ito ang tiwala ng gobyerno at ganundin ng mga kabarangay kaya mabubulok sa bilangguan ang mga ito.

Bago pa ang pamamahagi ng unang tranche ng SAP, nagbabala na si President Duterte sa mga barangay official na huwag nanakawin ang perang ayuda sa mga mahihirap. Ipakukulong umano niya ang mga mangungurakot ng pondo. Pero sa kabila ng babala, ma­raming nangurakot. Halos kalahati ng SAP ay ibinubulsa ng mga corrupt barangay officials. Nasa P205-bilyon ang ipinalabas ng pamahalaan para pang-ayuda sa mga mahihirap.

Isa sa mga corrupt barangay official na nakunan pa ng video at napanood ng Presidente ay ang kagawad sa Hagonoy, Bulacan na si Reynaldo Flores. Kalahati lang ng SAP ang binigay ni Flores sa mga kabara-ngay. Nagmura ang Presidente nang mapanood ang ginawa ni Flores. Mahirap na nga raw ang mga tao ay ninanakawan pa ng kagawad. Matapos mapanood ang ginawa ni Flores, nag-alok ng pabuyang P30,000 ang Presidente sa sinumang makapagsusuplong sa kanya ng mga corrupt na barangay officials.

Iyan ang utos ng Presidente kaya nakapagtataka kung bakit suspension lamang ang parusa sa 89 na corrupt barangay officials. Dapat ikalaboso sila para ma-ging halimbawa sa iba pa na nagbabalak mangurakot sa pera ng bayan o sa perang laan para sa mahihirap.

 

SAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with