^

Ilantad na kasi! Magsabi ka na ng totoo Sec. Galvez!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - January 21, 2021 - 12:00am

MAY kasabihan na ang sinungaling ay kapatid ng mandaraya. Kapag marunong kang mandaya, ikaw ay nagnanakaw na rin.

I told you so vaccine czar Sec. Carlito Galvez, kinakailangan ba na ang Presidente ng Pilipinas pa ang magsalita? Ilantad mo na raw ang katotohanan sa Senate hearing.

Diniretso ka na ng Presidente na sabihin mo na ang totoo hinggil sa kasunduan at presyo ng lintek na bakuna na ‘yan ng Sinovac.

Bilang vaccine czar, ikaw ang representate’t nakikipagnegosasyon hinggil sa bakuna. Pero ‘yung nasa taas mo, nagbigay ng marching order – ibigay mo na ang gusto ng mga maiinit na senador, magsabi ka nang totoo.

Magsalita ka na hinggil sa totoong presyo’t iba pang impormasyon hinggil sa bakuna na dapat malaman ng publiko.

May pananagutan ka sa taumbayan bilang representante ng Pilipinas. Nakalimutan mo yata na karapatan ng mamamayang Pilipino na malaman ang mga detalye ng transaksiyon mo sa Sinovac.

Isa pang gustong marinig ni Juan Dela Cruz ay kumusta naman ‘yung sa Pfizer, Moderna at AstraZeneca dahil ang lagi mong ibinibida ay ang Sinovac.

Ngayon ang sinasabi mo ay kapag nalabag ang non-disclosure agreement ay makakansela, maaaring mawala ang 148 million doses na inorder na ng Pilipinas.

Kailan mo pa naging Boss ang manufacturer ng Sinovac? Ganoon na lang ba kasagrado ang mga detalye ng iyong negosasyon para sabihing hindi puwedeng malaman ng publiko?

Mainit ngayon ang Senado sa sinasabing presyo dahil ang dating sa karamihan, may mangungurakot dito.  Wala naman sigurong back door negotiation dito?

Kaya tuloy sa Senate hearing, nagmumukha kang punching bag. Magsalita ka na ng manahimik na ang mga namumulitikang senador.

 

CARLITO GALVEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with