^

Punto Mo

‘Di pa napapanahon!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mukhang hindi pa napapanahon para payagan ang mula 10-anyos na palabasin na nang bahay at payagan na ring makapag-malls.

Ito kasi ang balak irekomenda ng Department of Trade  and Industry (DTI) sa IATF na sa kanilang katwiran eh para sa ekonomiya.

Isipin pang nasa kainitan pa naman nang paghihigpit sa health protocols dahil na rin sa sinasabing mga bagong variant ng COVID-19 na galing sa iba’t ibang bansa.

Isa na nga ang  sinasabing nakapasok na sa Pinas ang isang OFW na nagtaglay ng UK variant na nagbuhat sa Dubai na mabuti at sa ngayon ay nasa maayos na itong kalagayan at wala nang sintomas ng virus.

Tama ang UP-OCTA nang sabihin nilang mas mabuti na lang na ibalik ang face-to-face classes kaysa payagang maglamyerda ang mga paslit sa matataong lugar tulad ng malls.

Hindi pa nga naman pinapayagan ang face-to-face classes para maingatan ang mga kabataan na ma-expose sa labas ng bahay, tapos kamukat-mukat eh irerekomenda na payagan na silang palabasin at papasukin na rin sa malls.

Anong malaking tulong ang maibibigay ng mga ito sa ekonomiya gayung hindi pa naman halos nagtatrabaho ang mga ito?

Isa pa nga rito na hindi pa inirerekomenda ang mga bata,  magsimula man ang pagbabakuna sa bansa.

Wala pa silang magiging proteksyon at lalong mataas ang panganib na mahawa sila sa virus.

Dapat muna sigurong pag-isipan itong mabuti, para maprotektahan ang mga kabataan at para na rin hindi na tuluyang tumaas ang bilang ng tinatamaan ng virus.

vuukle comment

DTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with