^

Punto Mo

Bangkay sa India, binitbit ng mga kapitbahay sa banko para lamang makapag-withdraw

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PARA lamang ma-withdraw ang halagang kakailanganin sa pagpapa-cremate ng kanilang namayapang kapitbahay, kinailangan pang bitbitin ng mga tao ang bangkay nito patungo sa banko.

Namatay sa sakit si Mahesh Yadev, 55, taga-Bihar, India. Mag-isang namumuhay at walang mga kamag-anak kaya ang kanyang mga kapitbahay ang nag-asikaso sa kanyang bangkay.

Dahil hindi naman libre ang cremation, hinalughog ng mga kapitbahay ni Yadev ang kanyang bahay at natagpuan nila ang passbook nito kung saan nakasaad na may naiwang $1,600 (katumbas ng Php 53,000) sa banko si Yadev.

Upang ma-withdraw ang nasabing halaga, nagpunta ang mga magkakapitbahay sa banko hindi lamang dala ang passbok ni Yadev kundi pati na rin ang bangkay nito.

Pagdating sa banko, hiniling ng mga kapitbahay na ma-withdraw ang halagang pambayad sa pagpapa-cremate ng bangkay.

Matapos ang sandaling tensyon, pumayag din ang branch manager ng banko na si Sanjeev Kumar na ibigay ang halagang hinihingi ng mga kapitbahay ni Yadev.

Ayon kay Kumar, ito raw ang kauna-unahang kaso sa kanilang banko na ginamit ang bangkay na animo’y ATM card upang makapag-withdraw ng pera.

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with